Ano ba kasing ibig sabihin ng paghahalaw?
Mga Kabayo
(matapos magtangka at mabigong gumawa ng salin ng Horses ni Arkaye Kierulf)
Naniniwala ako sa saging, ang punong may puso, kung ano man ang ibig sabihin nun.
Naniniwala ako sa Ibong Adarnang nakatira sa puno ng Piedras Platas.
Naniniwala akong sa likod ng bawat isang ibon ay air pollution.
Naniniwala akong somewhere out there, someone’s thinking of me, and loving me, tonight.
Naniniwala akong hindi ko dapat sabihin ang narinig ko sa Pocket Garden.
Naniniwala ako sa sinabi ni Lolit Solis.
Naniniwala akong mananatili sa sampayan ang mga brief ko kahit hindi ko ito bantayan.
Naniniwala ako sa mga naniniwala kay Bro Mike Velarde.
Naniniwala akong kapag naniwala ka talaga, susuweldo ka sa Biyernes.
Naniniwala ako sa mga urinal. Na kailangan natin sila.
Naniniwala ako sa mga divider ng urinal, na mas kailangan natin sila.
Naniniwala akong paminsan-minsan, gusto nating uminom ng Generoso nang mag-isa.
Naniniwala akong kailangan nating mawalan ng load.
Naniniwala ako sa Confession Room ni Big Brother, at sa cleavage ni Ethel Booba, mabangis at nakapagpapaginhawa.
Naniniwala ako sa mga daan at kalsada, maliban na lang kung may bakod na kulay pink dito.
Naniniwala akong nagmamahal si Kris Aquino, pero hindi lang siya marunong magpakita nito.
Naniniwala akong hindi dapat masobrahan sa inom ang dalawang magkaibigan.
Naniniwala akong walang naitutulong sa bayan ang MMDA Art.
Naniniwala akong prosthetic lang ang mga titi sa western porn, na ang tunay na titi ay yung mga titi sa video ni Maria Ozawa.
Naniniwala akong edited ang pictures ni Angelica Panganiban.
Naniniwala akong hindi nagko-commute si Bayani Fernando, at ang mga taong nagdisenyo ng MRT at LRT stations.
Naniniwala ako sa konsepto ng langit sa pelikulang What Dreams May Come.
Naniniwala akong God is watching us, from a distance.
Naniniwala akong walang silbi at marangal ang ranting sa blog.
Naniniwala ako sa Friendster.
Naniniwala akong lahat ng blogger, natutuwa kapag may nag-iwan ng comment sa entry nila.
Naniniwala akong marami pa rin akong makikitang panty at cleavage kahit may dress code na this sem.
Naniniwala akong may terorista sa loob nating lahat.
Naniniwala akong sapat na ang isang text message para masira ang isang pagkakaibigan.
Naniniwala akong hindi ko kailanman makikilala si Vladimier Gonzales.
Naniniwala akong mahirap maging mabait kapag walang nakatingin o nagbabantay.
Naniniwala ako kapag may nagsasabi sa aking birhen siya.
Naniniwala akong minsan, kapag may nagsasabi sa aking birhen siya, ang ibig niya talagang sabihin ay “Pokpok ako, pero hindi ako makikipag-sex sa iyo.”
Naniniwala ako kina Tito, Vic and Joey, nung bata pa sila.
Naniniwala ako sa mga kabayo sa mga patalastas ng White Castle Whisky.
Naniniwala akong hindi magandang puwesto sa pagtitinda ng DVD ang overpass papunta sa SM North.
Naniniwala akong hindi dapat bigyan ng Magic Sing ang aming mga kapitbahay.
Naniniwala ako sa La Salle Sex scandal, sa Hello Garci scandal. Naniniwala akong ito ang dekada ng mga scandal.
Naniniwala akong sapat na ang mga patinig upang pangalanan ang mga nararamdaman sa pakikipagtalik.
Naniniwala akong mas maganda ang telenovela kung matatapos ito pagkalipas ng tatlong buwan.
Naniniwala ako sa pagkukulay ng kuko, sa estilong Emo.
Naniniwala akong hindi pokpok ang estudyante kong nakasuot ng pekpek shorts.
Naniniwala ako sa FHM at sa MAXIM at minsan, sa UNO.
Naniniwala ako sa posisyong 69 at 96.
Naniniwala ako sa horoscope.
Naniniwala akong mahal ni James Yap si Kris Aquino.
Naniniwala ako sa traffic.
Naniniwala ako sa nagsabing “the desire to be beautiful is the desire to be loved.”
Naniniwala akong kailangan natin ng mga pari na may point ang jokes, at mga teacher na hindi kailangang magbenta ng tocino.
Naniniwala akong pinakikinggan nina Piolo at Sam ang Don’t Matter ni Akon kapag silang dalawa lang ang magkasama sa isang kuwarto.
HorsesArkaye Kierulf
I believe in trees.
I believe in the birds that live in trees.
I believe that behind every one bird is a sky forever expanding.
I believe all windows look out to the same sky.
I believe in keeping secrets.
I believe there is sincerity in lies.
I believe when the lights go off the furniture keep to their places.
I believe in faith.
I believe that if you believe hard enough you will soon enough be saved.
I believe in walls. That we need them.
I believe in open spaces, that we need them more.
I believe once in a while we crave loneliness.
I believe we need sadness.
I believe in the soft cave of the mouth, in what it has to say, savage and
comforting.
I believe in roads and streets, that they lead to ruins.
I believe violence is a plea for mercy.
I believe in the heart’s destructive implosions.
I believe behind every painting or picture is a white canvass, complete in itself.
I believe philosophy is difficult and silly; I prefer instead small delicate things like
a knife.
I believe Plato’s Forms do not exist.
I believe behind every space is just another space, and behind that just more
space, and so on.
I believe in clouds.
I believe in the divinity of clouds.
I believe mathematics is useless and noble.
I believe in numbers.
I believe that behind all distance is an admission of connectedness, that all space
admits of openings.
I believe everything is open.
I believe inside every mind is an open gun waiting to go off.
I believe the mind is a gun.
I believe behind every face is another face is another face.
I believe some of us would like to be saints but cannot.
I believe some women are virgins.
I believe some women w
ould like to be virgins.
I believe in the inviolable and the insane.
I believe in the quiet dignity of horses.
I believe in the benefits of buying a house.
I believe every house should be surrounded by trees.
I believe in this century, that it is not yet over, that we are on the verge of yet
another
discovery
I believe our many voices thin out into only one voice.
I believe in the end, but only if it fuels the past to continue expanding.
I believe in the layering of clothes, one on top of another, in the Victorian style.
I believe in skirts and lingerie and long black hair and virtue.
I believe in sin.
I believe in the woman under the man and vice versa.
I believe in the invisible hand, in the wind that lifts the bird and elevates the sky.
I believe in love without proof.
I believe in landscapes.
I believe that behind all love is all love itself, pure and soft and intense.
I believe in things so huge we forget what they’re about and why.
I believe in things so small it’s taken us all these years to realize we’ve seen
nothing.