Tuesday, November 27, 2007

Bugtong
Matapos marinig ang isang joke sa 101.1 FM (alam mo na yan!)

Noong unang panahon, wala pang pan de coco. Monay, at wala nang iba pa ang meryenda ng mga tao. Araw gabi nilang kinukulit ang panaderong si Coco. Coco! Kailan ka ba gagawa ng bagong klase ng tinapay? sabi nila. Nagsasawa na kami sa kakakain sa monay mo! sabi pa nila.

Ngayon, huwag mong iisipin na hindi masarap ang monay ni Coco. Malambot ito at mainit, masarap ilagay sa bibig. Dinarayo ito ng mga tao mula sa iba't ibang panig ng daigdig, kahit ng mga taga-Japan. Kahit ang mga sikat na artista, hindi mapigilan ang sariling pumunta sa panaderya ni Coco para bumili ng monay. Noong isang araw, fairy tale time, dumaan si LA Lopez para bumili ng limang balot ng monay ni Coco. Dumaan rin si Lotlot de Leon, tsaka si Onemig Bondoc. Kani-kanina lang, bumili ng monay kay Coco ang Backstreet Boys.

Kaya lang, gaya ng anumang video ni Natt Chanapa o Maria Ozawa, darating rin ang panahon na pagsasawaan mo ang monay ni Coco, at maghahanap ka ng iba. Ganoon ang nangyari sa mga taga-San Roque. Nasasarapan man sila sa monay ni Coco ay nagsasawa na rin sila. Gusto nila ng bagong klase ng tinapay. Kulay pink o brown, mahaba o mataba, baliko o makeso, malarosas o amoy Lactacyd, matambok o nakatayo, kahit ano, basta bago.

Labis itong ipinagdamdam ni Coco. Ibinuhos niya ang kanyang buong buhay sa paglikha ng secret recipe ng kanyang monay, at ngayon, nagsasawa na ang mga tao dito. Lumuluha niyang hinaplos ang kanyang mga monay. Pasensiya na kayo. Marami kayong napaligaya, pero dahil sa law of diminishing returns, kailangan ko nang gumawa ng bagong klase ng tinapay. Hindi siya sigurado, pero tila namula ang kanyang mga monay sa kanyang paghaplos.

Kinabukasan, hindi nagbukas ang panaderya ni Coco. Nag-usap-usap ang mga tao. Maingay sa kanyang panaderya, ano kayang ginagawa niya? sabi nila. Isa sa kanila ang nakaisip ng paliwanag: Siguro, gumagawa siya ng bagong klase ng tinapay! At nagpalakpakan ang lahat. Malungkot namang umuwi si Britney Spears, na bibili sana ng monay. Pagdating niya sa bahay, tumingin siya sa salamin at nagsabing "The girl in my mirror, the girl in my mirror, is me."

Lumipas ang maraming gabi, ang maraming araw. Nagtataka na ang mga tao dahil hindi tumitigil ang paggiling at paghalo at pagbate sa loob ng panaderya ni Coco. Ni hindi siya natutulog! Ni hindi siya kumakain! sabi nila.

Isang araw, tumigil ang mga tunog. Sarado pa rin ang panaderya, pero bukas ang pinto sa likod nito. Sumilip ang mga tao, at nakita nila si Coco, nakahandusay sa harap ng pugon, lagot ang hininga. Nagkagulo ang mga tao. Hindi nila alam ang gagawin. Hanggang sa mapansin ng isa sa kanila ang mga tinapay sa mahabang mesa ni Coco. Dahan-dahan silang lumapit. Tinikman nila ang tinapay. Kakaiba ang tinapay na ito, may palamang nagmula sa niyog! sabi ng isa. Mabuhay si Coco! sabi nila. Mabuhay! Mabuhay!

Nang matapos ang sigawan, sinabi ng isa sa kanila: Utang natin ito kay Coco. At dahil diyan, tawagin natin itong

"Coco Jam".

8 Comments:

At 12:43 AM, Anonymous Anonymous said...

grbe kayo sir! tlgang di niyo pa rin pinapalampas ang girl in the mirror.. hahaha.. magandang alamat.. :))

 
At 12:00 PM, Anonymous Anonymous said...

psssst! bugtong ito ha. wala pang nakakasagot

 
At 2:07 PM, Anonymous Anonymous said...

sir,nakakatawa,pero hindi lang po law of diminishing returns, kundi law of diminishing marginal returns...at kung nagsasawa ang tao, hindi na ito LDMR, kundi LDMU,law of diminishing marginal utility...hahahaha
anyway,wala lang talaga akong magawa...hehehe
kung bugtong,anong tanong?

 
At 5:57 PM, Anonymous Anonymous said...

masalimuot pala ang magnegosyo ng monay ano

 
At 5:34 PM, Anonymous Anonymous said...

sir, pano nmn toh nging bugtong? alamat toh! alamat! alamat! alamat! hahaha..(^^,)
peace!

 
At 12:02 AM, Anonymous Anonymous said...

sir, may pinagkamalan ba ang pagkamatay ni Coco sa sagot sa bugtong ito?

Napaisip tuloy ako!

 
At 8:51 AM, Anonymous Anonymous said...

secret!

 
At 6:52 PM, Blogger pb said...

asan yung bugtong? nyahahahha...

nakakaaliw. inaabangan ko talagang mabanggit si Britney Spears at di naman ako nasawi. hehe. weee...

ayos po. ayos.

 

Post a Comment

<< Home