Monday, August 13, 2007

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.
-Jose Rizal, Sa Aking Mga Kabata

Basahin ang mga sumusunod nang buong damdamin at may paninindigan.

That tea hang goo lie
thee coup tea knee tick man
Log in null lung
in knee ewe was sun
Noon neat hang goo lie
eye must a rap pal a
cup pug scene a bow one nausea

Make cool lie hang boo high
Make cool lie hang boo high
sassy nab bow hang goo lie!

20 Comments:

At 4:13 PM, Anonymous eartha said...

craulo ka tlg yol! hahaha..a coup ma he league sat scene a bow hang goo lie! kelan tau kita? tapos na board ni grets! nabati mo ba cia nung bday niya?

 
At 5:05 PM, Anonymous yol said...

siyempre naman binati ko siya. inaantay ko nga kung kelan siya magpapainom. itext mo rin para ma-peer pressure.

 
At 6:10 PM, Anonymous Anonymous said...

naalala ko yung isang tula ni ee cummings. hehe. - moreen

 
At 9:12 PM, Anonymous isma said...

yol magustuhan kaya ni rizal ang pagmamahal mo sa ganitong salita?

weee! graduate na uli c grettel? kelan uli cya mag aaral?! *hahaha*

 
At 7:17 PM, Anonymous yol said...

oo, nagustuhan niya. Nagtext siya sa akin kanina astig daw. si grettel? hinihintay ko nga kung kelan magpapainom e.

 
At 4:19 PM, Anonymous eartha said...

ei yol doctor na c grets..text niya daw tau pag magpapakain na cla..malamang this last week ng august! Galing-galing talaga ni Bestfriend Grets! hayy!!! im really happy for her..sana reunion na naten sa celebration niya..hihihi...miss ko na kayo mga friends!!!

 
At 4:04 PM, Blogger aryo said...

t***i*a!! You got me there. Para akong gagong kumakanta har ha har!

 
At 8:34 AM, Anonymous cai said...

good morning po. hinahanap ko po ang blog site ni german gervacio kung meron man.... gusto ko lang magbasa n ng mga bagong bugtong niya na may halong pulitika. sana alam mo po since manunulat naman po kau. like ko ung post mu na transformers at Aaron.

 
At 2:54 PM, Anonymous yol said...

hello cai. nasa thesis niya ang mga bugtong niya e. Heto ang pamagat: Tulatsay: Isang koleksiyon ng bago at eksperimental na mga tula at proto-sanaysay. May kopya kami rito sa department.

 
At 2:32 PM, Anonymous cai said...

ah ganun po bah... salamat po... sana naisulat dito sa Internet xe d naman na ako nakapagbasa ng libro o anumang hardcopy na literatura sa ngayon since nakulong na ako dito sa 'corporate world'.

 
At 2:17 PM, Anonymous Anonymous said...

me bago kong bugtong...
(mula sa: aso kong puti, inutusan ko sandali, hindi na umuwi. sagot dura, pwe!)

aso kong umaatungal
sa palasyo nag-almusal
pag-uwi may paperbag na busal

sagot: walang sagot, ang marami tanong.

man gervacio

 
At 4:07 PM, Anonymous yol said...

wow! mabuhay kayo g.man gervacio!

 
At 4:38 PM, Anonymous Anonymous said...

Eto po yung kabuuan nun...

Hu Let Da Dogs Awt?! Hu-Hu-Huhu!: Isang Desperadong Pag-aaral
sa Mga Modernong Bugtong na Walang Gustong Sumagot
ni German V. Gervacio


0. Aso kong puti
Inutusan ko sandali
Hindi na umuwi

Clue: pwe!
Sagot:

1. Aso ako ng Puti
Inuutusan ako palagi
Upang maka-loan muli’t muli

Clue: cute po ako at hate ko mga terrorists
Sagot:

2. Aso kong punggok
Sa trono’y iniluklok
Nang pababain ay naghimutok

Clue: hate po niya mga terrorists at cute siya
Sagot:

3. Aso kong tabogol
Kadena’y aking pinutol
Upang tumigil sa katatahol

Clue: Err-rafrafraf, hik!
Sagot:

4. Aso kong itim
Pinabilang ko nang lihim
Trono’y napunta muli sa akin

Clue: kapag bundat na ang linta, nagreresayn nang kusa
Sagot:

5. Aso ako ng punggok
Nang ang tuta ko’y nagpaputok
Nasabon ako mula paa hanggang tuktok

Clue: dog po ako pero parang sa rabbit tenga ko
Sagot:

6. Aso kong panay ang atungal
Sa palasyo nainvite mag-almusal
Pag-uwi may paperbag na busal

Clue: batik-batik po ang aso kong ito, lord
Sagot:

7. Mga aso kong pula
Pinalparan ko na
Panay pa rin ang alma

Clue: Sori, wala pong clue, wala ring ebidensya…
Sagot:

8. Aso kong astang-hero
Mistulang si fernando poe
Nang pulbusin ang mga haybol sa estero

Clue: Sapatusin po kita pag humingi ka pa ng clue!
Sagot:

9. Aso kong may sayad
Tingin sa sarili niya’y isteytsayd
Kuntodo-accent pagbigkas ng “I lied!”

Klu: klut-klut hair niya
Sagot:

10. Mga katahulan kong apatetik
Pinabasa ko nitong aking gimik
Di nangagat panay lang hagikgik

Clue:
Sagot:

 
At 4:42 PM, Anonymous Anonymous said...

Ano po sagot sa 1-10 bugtong?

 
At 4:03 PM, Anonymous yol said...

hahaha! salawikain rin ang mga ito a. nandito si miriam santiago, si GMA, ang mga Atenista, si Erap, si bayani fernando, si garcillano, si palparan, si de venecia. hagikhik na lang muna ang tugon ko sa iba pang hindi ko nasasagot. :-)

 
At 12:42 PM, Anonymous Anonymous said...

nasan atenista? hehe

 
At 2:44 PM, Anonymous yol said...

sabi nga nila, if you have to ask, you'll never know. :-) peace

 
At 12:56 PM, Anonymous Anonymous said...

sabi rin nila...marunong ang nagtatanong, hehe

 
At 1:58 PM, Anonymous Anonymous said...

ano mga sagot sa bugtong ni gervacio sa itaas? pakiexplain poh!

 
At 1:50 AM, Anonymous mangervacio said...

yung isang estudyante ko me bugtong...hindi bampira, hindi lamok, sumisipsep ng dugo!

MODESS daw!

 

Post a Comment

<< Home