Wednesday, May 09, 2007

dear diary,

Mula nang magsimula ang summer classes, dalawang beses na akong tumatae sa isang araw. Madalas, tatae ako sa umaga, tapos tatae ako sa gabi. Minsan naman, tumae na nga ako sa bahay, tatae pa ako pagdating ko sa Ateneo. Alam mo diary, masarap tumae sa Ateneo. Hindi ko alam kung ganito rin ang iniisip ng mga estudyante, pero may hiwalay kasing CR ang mga teacher sa estudyante e. Sa building namin halimbawa, may CR sa bawat floor. Doon ako tumatae sa CR sa third floor, kung nasaan rin ang Filipino Department. Masarap tumae doon kasi malinis dahil konti lang ang gumagamit. Mayroon pang tabo kaya makapaghuhugas ka talaga, hindi mo kailangang magtiyaga sa tissue.

Kagabi, tatlong beses akong nag-akyat panaog sa overpass ng Philcoa. Kapag nasa baba kasi ako, akala ko natatae ako. Kaya aakyat ako sa overpass para pumunta sa CR sa gilid ng Mercury Drug. Kaya lang, kapag nasa taas na ako, nauutot lang pala ako. Kaya siguro napalitan ng simangot yung pagtataka sa mukha ng manang pulubi sa itaas ng overpass sa Philcoa.

Alam mo diary, noong ikatlong akyat ko sa overpass, nakita ko yung panty ng manang pulubi. Nangyari ito uli pagkababa ko naman sa overpass ng Guadalupe. Pagdating ko sa may eskinita kung saan may nagbebenta ang mga pirated video ni Maria Ozawa at mga balat na sapatos, nakita ko yung pulubi doon, kita ang panty. Nakita ko na rin ang panty nung pulubing iyon dati, habang iniinspeksiyon niya ang sampung pisong buo na ibinigay sa kanya ng isa sa mga dumadaan (baka raw kasi peke yung sampung piso).

Pero diary, hindi lang naman panty ng mga manang pulubi ang nakikita ko. Nakikita ko rin ang panty ng mga coed sa Ateneo. Marami kasing nakasuot ng maikling palda doon, at hindi sila maingat kapag umuupo, lalo na sa pocket garden. Napansin ko na makulay ang mga disenyo ng panty ng mga coed sa Ateneo, pero plain lang ang mga panty ng manang pulubi, madalas kulay dilaw.

Diary, bakit kaya kung hindi manang pulubi ang nakikitaan ko ng panty, coed sa Ateneo? Wala pa akong nakikitaan ng panty na sales lady o kaya nursing student na kasakay ko sa jeep o LRT. Ewan ko rin kung bakit madalas akong makakita ng panty, hindi naman ako naghahanap.

Diary, nagtataka ako kung bakit ako tae nang tae. Hindi naman ako kain nang kain. Hindi ba ganoon iyon - kapag kain ka nang kain, tae ka nang tae. Ako, hindi naman ako madalas kumain lately. Hindi pa kasi ako sumusuweldo simula nang magsimula ang summer classes. Wala akong pambili ng maraming pagkain.

Bago kasi ang kontrata ko sa Ateneo ngayon, diary. Kapag bago ang kontrata mo, madedelay ang suweldo mo. Okey lang yun, at least may hinihintay kaysa wala.

Pero huwag kang mag-alala diary. Dalawang tulog na lang, susuweldo na ako. Tatlong pay check rin yun. Ang plano ko, isasama ko ang pamilya ko sa Kamay Kainan, tapos magi-eat all you can kami. Kakain kami nang kakain, babawiin namin ang lahat ng araw na kaunti lang ang kinain namin dahil wala kaming pambili ng maraming pagkain. Tapos tatae kami nang tatae. Kapag nangyari iyon, hindi na siguro ako makikipag-agawan sa CR namin sa bahay. Papasok na lang ako nang maaga sa Ateneo para doon tumae. Yun.

17 Comments:

At 4:04 PM, Blogger althea said...

hi, sir. si thea po ito. suwerte niyo naman at nakakatae kayo ng madalas. hay. at kumusta naman sa mga panty. at least di kayo pinapakitaan ng brief. hahahaha.

 
At 6:45 PM, Anonymous yol said...

hi thea. heh! wala pa naman akong nakikitang manang pulubi at coed na naka-brief. okay lang sa akin na ganoon.

 
At 10:25 PM, Blogger Alyx MS James said...

sir, alyx! hehe, di ko alam na ipapasa pala ung artista notebook pasaway talaga ko... ^_^ pero di na po ako lilipat ng ateneo! Yay!

Ok lang yan, buti nga may panty pa eh, at least hindi sila nag aa-la Britney Spears diba?

 
At 6:50 PM, Anonymous ...nat said...

naaliw ako dun a! actually, antagal ko nang naghintay ng kasunod na entry sa blog mo eh... pramis! :-)

 
At 10:03 PM, Anonymous anne said...

ako rin.

 
At 11:04 PM, Anonymous Anonymous said...

gusto nyo lumipat ng multiply? mas astig dun... XD la lng

 
At 7:08 AM, Anonymous yol said...

alyx!pasaway ka talaga. mabuti naman atenista ka pa rin. hindi na sana kita papansinin e.:-)

hoy nat! hoy anne! pasensiya na kayo. summer classes kasi kaya hirap maghanap ng time for blogging. teka lang. kahit wala namang summer classes tamad pa rin akong mag-update e.

@anonymous: hindi ba kumplikado gumamit ng multiply? karaniwang tao lang kasi ako. at tsaka naisip ko, may mga feature na hindi ko magagamit. puro daldal lang kasi ako e.

 
At 11:40 AM, Blogger crisgee said...

Napakaganda ni Maria Ozawa! Kung sa PIlipinas siya magtratrabaho, hindi na niya kailangan magporno. Solb na siya sa mga telenovela!

 
At 1:35 PM, Anonymous elisa said...

sir pasensya, wala ako ibang means ng pgcontact sainyo, link pla kc kau ni dirtypopmachine(bngay nyo samin ung site nya)

sabi nyo nasa fil dep kau ngaung sat? pumunta ako, wala naman kau. sarado ung dep. half day pala. sabi nyo hanggang hapon kau? waaah! mgcoconsult pa naman sana ako tungkol sa paper#2 sabi nyo kasi ok lng...
T.T huhuhu

elisa
fil 12-I

 
At 10:50 AM, Anonymous yol said...

crisgee: kapag pumunta siya dito, hindi niya na kailangang magtelenovela. pumunta na lang siya sa akin at mamahalin ko siya habang buhay.

elisa: pasensiya, nagkasakit kasi ako. kakausapin ko ang klase mamaya.

 
At 3:28 PM, Anonymous liz said...

sa totoo lang, mas mahal ang makukulay na panty kesa sa mga walang disenyo. kung mahal ang panty mo, hindi naman siguro nakakahiyang ipakita ito sa lahat ng may mata. kung mura lang---eh ano naman ngayon. walang pakialamanan ng panty ng may panty.

at mabuti ka pa may iskedyul ang pagtae mo. ako nahihirapan minsan, may sariling utak ang bituka ko. lecheng buhay.

 
At 4:13 AM, Blogger leia said...

ang sarap bilangin kung gaano kadaming salita na tae ang nabanggit dito.

-eirene

 
At 1:53 PM, Anonymous yol said...

liz: salamat sa diyos na lumikha ng mamahaling mga panty. try mo ang yakult, baka makatulong sa iskedyul ng pagtae mo.

leia: tae? ano yun?

 
At 3:40 PM, Anonymous liz said...

live lactobacilla shirota strain? yun ba yun? o lactobacillo? kung ano man yon, mas malupit ang yogurt. giyera talaga pag yun.


salamat sa pagbagsak sa blog ko.

 
At 6:19 PM, Blogger rO.ot said...

si mei po ito (summer class!). masarap nga po siguro tumae sa ateneo. nagawa ko na iyon sa covcourts, nung 2nd day ng ORSEM.. sabi ko sa moderator, "naiihi na po ako." pero ang totoo, natatae na talaga ako nun. isa yan sa aking dear diarya moments. secret lang po yun sir ah.. quiet lang.

 
At 1:28 PM, Anonymous yol said...

cov courts? di ako masyadong pumupunta sa cr dun. marami kasing lalaking nakahubad dun tapos tinitingnan ako.

 
At 7:32 PM, Anonymous Anonymous said...

waw sir. ngayon ko lang to nabasa! miss ko na mga hirit nyo. hehe :)
see ya round :) - meklot

 

Post a Comment

<< Home