I believe in love, the feeling almighty, creator of heaven and earth
Galing kina maita at mikael. Walang pakialaman sa mga sagot ha.
1. One book that changed your life
Nang mabasa ko ang The Black Cat and other stories ni Edgar Allan Poe noong nasa elementary ako, nagpasya akong balang araw, magiging lasenggo ako. Tapat akong iibig sa isang babae tapos iiwan niya ako. Iibig ako uli, at iibig pa, pero kailanman, hindi ako magiging dakila. Sa halip, magiging isa akong manunulat.
2. One book you have read more than once
Sa Cubao Midnight Express: Mga Pusong Nadiskaril sa Mahabang Riles ng Pag-ibig, may kuwentong pinamagatang Pamamanhikan. Tungkol ito sa isang batang lalaking nagpahayag ng pag-ibig, hindi crush, sa isang batang babae. Tinawanan siya nung babae, tinakbuhan. Hinabol ni lalaki si babae. Umakyat sa hagdan si babae. Nadulas, nahulog, nabagok ang ulo. Pagkaraan ng ilang taon, magiging serial killer si lalaki.
Marami akong naalala matapos mabasa ang kuwentong iyon. Ganoon nga, ganoon nga ang nangyayari kapag batang bata ka'y nasasaktan.
3. One book you want on a deserted island
Kung sakaling matagpuan ko ang sarili sa isang islang wala akong kasama, walang pag-asang makaalis o mailigtas, sana may dala akong kopya ng One Hundred Years of Solitude. Hindi na ako mag-aabalang maghanap ng makakain o gumawa ng bahay kubo. Babasahin ko na lang ang nobela. Tapos pagdating ko sa katapusan ng nobela, sa katapusan ng Macondo, sa katapusan ng mga Buendia, mamatay na ako. Huwaw, emo ang puta.
4. One book that made you laugh
Hindi ko alam kung bakit, pero natatawa ako kapag binabasa ko ang Hulagpos at Likha, teksbuk ng mga sabjek na itinuturo ko.
5. One book that made you cry
Sa banyo ko binasa ang malaking bahagi ng Norwegian Wood, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako umiyak.
Ipinabasa ko rin kay Joanne ang nobelang ito ni Murakami. Sabi ko naaalala ko siya tuwing binubuklat ko ang librong iyon. Pagkatapos ng isang linggo, tinanong ko siya: Naoko o Midori? Sabi niya, ayaw ko kay Midori, lakad kasi nang lakad. Sabi ng isip ko, ikaw si Midori, Joanne. Ikaw si Midori.
6. One book you wish had been written
Sa isang panaginip ni Paolo Manalo, nasa isang book launch daw siya ng isang Yol Jamendang. P.E.D.R.O.S. (Playing, eating, dancing, reading and others) ang pamagat ng aklat. Nang papirmahan niya ang kanyang kopya, isinulat raw ng manunulat: Kunin mo, o dahunin mo.
7. One book you wish had never been written
May isang health guide na lumabas ngayun ngayon lang. Kasama kami ni Jelson sa mga nagsalin (Ingles kasi ang orihinal na manuskrito). Pero hindi nakalagay ang mga pangalan namin sa alinmang bahagi ng aklat. Sana hindi na lang naisulat ang aklat na iyon para hindi ako, kami, nasaktan.
8. One book you are currently reading
Remaking Masculinities ni Alicia Pingol. Ano ang mangyayari kay tatay kapag umalis si nanay para magtrabaho sa ibang bansa? Gusto kong malaman.
9. One book you have been meaning to read
Tulad ni Mikael, pangarap kong mabasa (sa wakas) ang Norton Anthology of Theory and Criticism. Mayroon na akong kopya, Christmas gift ni Mam Beni noong isang taon. Dahil nga wala pa akong panahong magbasa, itinago ko muna.
Last month, may narinig akong mga kuting na ngumingiyaw sa ilalim ng kama ko. Nang silipin ko, nakita ko ang isa sa mga pusa namin, nagpapasuso ng kanyang mga anak. Sa ibabaw ng brand new ko sanang kopya ng Norton.
Nakakatamad palang magbasa ng mapanghing libro.
10. Taya! Ikaw, oo, ikaw na nagbabasa. Gawin mo naman ang ehersisyong ito o. Babasahin ko.
Sabi nila, kumu-corny ang mga taong in love. Sa tingin ko, ganoon rin ang mga taong heartbroken.
10 Comments:
oo nga e. hindi ko talaga alam kung bakit tawa ako nang tawa. hahahahahahah
heartbroken? hayy:( ayus lang yan ser. namiss ko blog posts nyo! antagal magupdate e;)
Grabe, isa na itong kalabisan. Pati pagsagot mo sa meme, pinapahanga mo ako. :p
yol, nag evolve na pala ang likha at dinagdagan ng salitang HULAGPOS! di ko na pala pede ipamana kay tintin yung pinaglumaan ko tsk tsk tsk.
Kita tyo sa apr17 pasama kunin yung diploma ko *hehehe*
@paolo :p
@isma: nge, magkaibang libro yun ano. april17? inuman ba uli? Kakain pa tayo ng talong ha.
uu yol inuman uli pero ayoko na ng lambanog! inantok ako =( vodka with redbull naman ang trip natin ngayon *heh*
may kasama ako kaya hindi natin pede pagusapan ang mga talong isyu ok? scout ka ng venue natin at sana kumpleto tyo nila daps, gary, jayson, at sandra.
uu yol inuman uli pero ayoko na ng lambanog! inantok ako =( vodka with redbull naman ang trip natin ngayon *heh*
may kasama ako kaya hindi natin pede pagusapan ang mga talong isyu ok? scout ka ng venue natin at sana kumpleto tyo nila daps, gary, jayson, at sandra.
yol!
heartbroken??
teka.. gumagana ang intution ko d2 ah... pero sige..
ano iinom na natin ito??
sagot ko 1 redhorse.. mucho!
isma: natuwa naman ako at kasama ako sa friendslist na gusto mong makasama sa inuman sa april 17...kasama ba talaga ako?? o baka sa invitation lang! hahahaha=) peace!
sama ako sa pag apply mo ng diploma, kukuha ako ng grades ko sa ateneo.. at request for transcript...
-sandS
yol, pwede ilabas yan...
and2 lang ako.. di me magsasalita.. makikinig lang...
syet! darama...
sandra
tol nagtext si gary sy, idedemanda ka raw ng libel dahil sa paninirang-puri mo sa kanya.
Post a Comment
<< Home