Akosiyol Tonite vol 2 (Collect them all!)
I write to express, not to impress
Showbiz Balita
Yol Jamendang, gaganap bilang Ambrosio!
Yol Jamendang, hindi Yul Servo. Tse!
Buong pananabik na inaabangan ngayon ng mga tagahanga ng Two-time Crush ng Bayan Award nominee na si Yol Jamendang ang kauna-unahan niyang pagganap bilang Ambrosio sa dulang Mga Santong Tao. Ipalalabas ang nasabing dula sa Huwebes, ika-25 ng Enero sa Gonzaga Function Room ng Pamantasang Ateneo de Manila. Mapalad ang AT Showbiz Balita Team dahil pinaunlakan ng batikang-aktor-sa-hinaharap na ito ang aming panayam.
AKOSIYOLTONITE: So…isang kilalang astronaut at ninja ka na, tapos ngayon, isang aktor naman?
YOL: Well, alam niyo naman, I always push myself through the fire, through the limits, through the wall para sa aking mga masugid na tagasubaybay. Bukod doon, napagkaisahan ako ng mga coteachers ko kaya wala naman akong magagawa kundi pumayag.
A: Anong klaseng Yol Jamendang ang makikilala namin sa dulang ito?
Y: Naku, very challenging ang role na ito para sa akin. Meron ako ditong fight scene habang naka-strait jacket at nagso-solve ng Sodoku. Meron din akong orgy scene dito kasama ang isang unan at dalawang bote ng C2.
A: Wushuuuu! Challenging daw. E bakit parang ni hindi ka kinakabahan?
Y: Sa totoo lang, hindi na nga ako makatulog sa kaiisip sa dulang ito e. Napakahalaga kasi ng papel ko dito dahil ako ang lead actor – ako ang unang makikita ng audience sa scene 1. Siyempre kailangan ko ring magpapayat para maganda akong tingnan sa stage. Wala munang extra rice para sa akin, tsaka iniisip ko palagi yung mga nagugutom sa Payatas sa tuwing kakain ako ng masarap para kaunti lang ang makain ko.
A: Ilalabas namin ngayon ang aming magic mirror. Sa magic mirror na ito, nakikita mo si Sam Milby. Anong sasabihin mo sa kanya?
Y: Kailan ba kayo aamin ni Piolo?
A: E, ano naman ang masasabi mo sa ekonomiya ng Pilipinas?
Y: Pasensiya na, pinagsabihan kasi ako ng manager ko na huwag munang magsalita tungkol sa mga bagay na iyan.
A: Buweno, maraming salamat at tc alwayz. Meron ka bang gustong sabihin sa fans mo?
Y: Huwag niyo pong kaliligtaan, Huwebes sa susunod na linggo na ang Mga Santong Tao. Kasama ko po dito sina Pamela Cruz, Michael Coroza, Jethro Tenorio, Ariel Diccion, Benilda Santos, Coralu Santos at Ariz Atienza. Directed by Jerry Respeto. Salamat sa Tulong Bicol Relief Mission para sa aking costume. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta. Kung gusto niyo nga palang makatanggap ng nakakatawang hirit at 2.50 per text, just send HIRIT ON to 206.
14 Comments:
hahahahai:) naeexcite na po akong mapanuod kayo. yul servo? hahaha:)
todo promote si sir! ^^ sa wakas.. mapapanuod na rin namin ang two-time crush ng bayan nominee sa isang dula. Lead actor pa! ^^
sino kayang nagnominate sa inyo? hehe
yol! pwede ba manood ang alumni? magkano ticket? and what tym yung dula? para may cheering section ka. hehehe!
tsong(go), congrats sa matagumpay mong pagganap bilang Kiko sa pagtatanghal ng Kagawaran ng "Batibot." Ang lupit ng chemistry niyo ni Ate Siena (Pam) sa entablado, panalo!!!
me video ba yan? panood naman... :-)
pare ko, tingnan mo ang komento ng estudyante mo na napaisip kungi kaw si Bob Ong. astig ano? Umamin ka na kasi...
erick!maraming salamat sa panonood ng dula at pagbisita rito. secret lang natin, pero hindi ako si bob ong. secret din natin, pero si king of kings si mon tulfo.
hahahahaha. mon tulfo. pwede!
oo naman sir. kelan po ba ang update? hehe. ay talaga. magandang araw po sa inyo ginoong tulfo. sa wakas may susumbungan na ako kapag may umaway sakin. salamat sir!
si BOB ONG ka nga! umaarte na rin pala si BOB ONG... kaya nga lang---
Sayang hindi kita mapapanood. March 8 pa balik ko ng Pinas.
sir prof-of-my-friend, you're an icon! come teach here at uste! haha =p
hoy chad! mabuhay ang uste!
Post a Comment
<< Home