Dahil tatanda at lilipas din ako
1.
Salamat, salamat sa mga bumati sa akin noong birthday ko, noong Pasko at noong Bagong taon. Lalong lalo na doon sa mga Globe subscribers. Alam kong hindi madali para sa inyo ang bumati sa isang SMART subscriber na tulad ko. Habambuhay ko kayong mamahalin. Pasensiya na sa mga hindi ko napadalhan ng reply. Patawad sa mga hindi ko nabati. At huli, patawad sa matagal na hindi pag-update. Hinanap ko kasi si Jesus.
2.
Natagpuan ko naman siya, isang araw habang nakasakay ako sa bus. Narinig ko ang kanyang boses habang pinatutugtog sa YES FM ang number 1 song sa buong Pilipinas. Ang sabi niya:
Hawak Kamay
Jesus
Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing “di ko makakaya”
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
[chorus]
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Minsan madarama mo
Ang mundo’y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema’y tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
[repeat chorus]
[bridge]
Wag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin meron kang kasama
Narito ako oh, Narito ako
[repeat chorus]
Sa mundo ng kawalan
Hawak-kamay, Hawak-kamay
Sa mundo ng kawalan
3.
Pumunta nga pala ako sa Bicol noong huling linggo ng Oktubre, pagkatapos na pagkatapos ng AILAP-Ateneo National Writer's Workshop. Kasama ko si Joanne at ang nanay ko. Hindi pa humahataw sina Milenyo at Reming noon, kaya napakasarap pang pagmasdan ng mga tanawin. Gamit ang aking camera phone, kumuha ako ng larawan ng mga humps, mga humps, mga lovely lady lumps. Check it out:
4.
May ikukuwento ako sa iyo, pero secret lang natin, ha. Promise? Ako ang dahilan kung bakit hindi nakapagklase ang mga guro sa CTC 301 (isang klasrum sa Ateneo) noong Martes. Ganito kasi yun.
Naghihinanakit sa akin ang sikmura ko noong Martes ng umaga. Kung anu-ano kasing pinagkakain ko. Kaya hayun, pinarusahan niya ako sa pamamagitan ng pagpapa-LBM sa mga panahong hindi ko gustong o hindi ako puwedeng tumae. Kaya imbes na pumasok sa 730 class ko, uminom ako ng diatabs at nagtext sa beadle na hindi ako makararating. Umayos naman ang tiyan ko, kaya nagpasya akong pumasok para sa 12nn class ko.
Malay ko ba na naglagay ang mga estudyante ko ng "Hindi darating si Sir!" sa blackboard ng CTC 301. Malay ko ba na hindi nila buburahin ang sinulat nilang iyon. Pagdating ko tuloy sa CTC 301 na siya ring kuwarto para sa 12nn class ko, aba, hindi pa nagagamit ang pambura sa blackboard! Wala ang 1030-12 na klaseng madalas mag-overtime! At may dalawang estudyante sa loob ng kuwarto. Pagdating ko, sabi nila, "Sir, akala namin hindi kayo darating? Umalis na ang classmates namin. Nagtatatalon sa tuwa." Yeah.
11 Comments:
whew. for a moment there (and because of the animal ass shots), akala ko naman "nagkalat" ka sa klase. bwahaha. happy new year! =)
-naya
http://her-train-of-thought.blogspot.com
sir! Hindi po iyon ang sinulat namin. OwO iba po ang sinulat namin sa board.
sir! akala ko natae ka sa kwarto,hehe.
naya!naya!kumusta ka na? yun pala ang tamang link. hindi ko mabuksan dati e. alam mo siguro kung bakit pumunta kami sa bicol ni joanne noong huling linggo ng oktubre. :-)
ding: something to that effect. mga 12nn students ko pala ang nagdagdag.
karen: hu u? joke! happy three kings!
cool. ngayon, alam ko pong di nyo na kami makakalimutan.:)
parehas tayo, Yol. hinahanap ko rin si Jesus ngayon...
ako rin.. ako rin..
:P
~pilimon
Eh sir naman kasi!
Hahaha!
Ssshh... wag mo kong isusumbong sa librarian
ginagamit ko ang computer nila
para sumilip sa mga blogs nyo!
-Ang beadle ng 12nn class :D
ang witty naman ng bahagi tungkol sa mga hump.
bleblebleblebleble @king of kings
Isa itong porn!!!
Malaswa ka Yol, malaswa!! : )
Post a Comment
<< Home