Friday, July 07, 2006

AKOSIYOL TONITE
(I write to express, not to impress)

Sa ulo ng mga nagbabagang balita:

Ulam ng mga Jamendang, Talong na naman

Kabute St. -- Talong na naman ang ulam ng mga Jamendang, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source ng Akosiyol Tonite. Tatlong beses na silang nag-ulam ng talong simula noong Lunes.

"Maghapon, puro chicken joy at jolly hotdog ang kaharap ko," sabi ni Irene, 20, estudyante at service crew sa Jollibee. "Tapos pag-uwi ko, talong ang ulam natin."

Sa preliminary investigation na isinagawa ni Alicia, 51, pagdating niya sa bahay galing trabaho, natuklasan niyang ginisang talong ang laman ng kanilang kawali, sa halip na tinola gaya ng kanyang ibinilin. Nang kapanayamin siya ng Akosiyol Tonite kung kumusta naman ang araw niya, sinabi ni Alicia na "inaantok na ako." At natulog siyang hindi man lang nagtu-toothbrush.

Samantala, patuloy ang pag-iinarte ni Leslie, 10, estudyante at wala pang hanapbuhay. "Ayaw ko niyan, hindi ako kumakain niyan," sabi niya nang paulit-ulit. Tinitingnan siya nang masama ni Love, 19, estudyante rin pero may pakinabang naman dahil naghuhugas ng plato at naglalaba. "Sasampalin kita," sabi ni Love kay Leslie.

Tinangka ng Akosiyol Tonite na kapanayamin si Lando, 50, official kusinero ng mga Jamendang at ang diumano’y nagluto ng ginisang talong, kahit tatlong beses na itong naiulam. Kaya lang, lasing siya at nasa ikatlong yugto ng rapid eye movement sleep.

Mitchie at Inabang, Nagbangayan

Kabilang Kanto – "Putang ina mo Inabang, palibhasa puro kantot ang nasa isip mo kaya hindi mo mapakain ang mga anak mo!" Ito diumano ang mga katagang binitiwan ni Mitchie, 52, nang makita ang kanyang asawang nakikipag-usap sa Aleng Magbabalut.

"Tinatanong ko lang naman kung magkano ang asin," paliwanag ni Inabang nang kapanayamin ng Akosiyol Tonite. "Gago!" sabi naman ni Lasidong, isa sa mga nakasaksi. "Tinatanong niya kung kasing-init daw ng betlog niya ang balut na itinitinda ng Ale."

Sa imbestigasyong ginawa ni Jimay, 20, tsismoso, nagsimula ang bangayan sa pagitan ng TV Patrol World at Kapamilya, Deal or No Deal? Commercial daw noon kaya hindi siya sigurado. Lumapit siya sa nag-aaway para mas marinig ang mga sinasabi.

"Pinaparinig pa ng mga putanginang yan ang pagmumurahan nila sa mga anak ko," sabi naman ni Aida, 50, isang concerned homeowner. "Kaya natututong magmura ang mga anak ko, e. Putangina talaga."

"Hindi ko maintindihan kung bakit napakaselosa niyang si Mitchie." sabi naman ni Delia, 45, napadaan dahil bibili ng shampoo. "Ang pangit naman ng asawa niya."

Habang isinusulat ang balitang ito, nakaalis na ang Aleng Magbabalot at hindi na mahihingan ng pahayag.

23 Comments:

At 11:39 PM, Anonymous Anonymous said...

Sir panalo!

 
At 9:32 AM, Anonymous Anonymous said...

Sir, 'di rin ako nangangain ng talong.. Hehe.

 
At 9:41 AM, Blogger Mitzie said...

Yol, wagi ka na naman. =)

 
At 11:41 AM, Anonymous Anonymous said...

eh ang talong kasing init ba ng...?

 
At 6:27 AM, Anonymous Anonymous said...

Gagu ka yol! Sa lakas ng tawa ko na-onse tuloy ako T_T. Buti n lang walang nakakita. Hehehe.

Pag uwi ko inuman tyo. Ako taya sa pulutan - ginisang talong at mainit init na balut. Eat all you can. Hehehe.

 
At 7:27 PM, Anonymous Anonymous said...

brandz: mabuti naman
anne: hindi ko alam e. wala akong alam sa mga bagay na ganyan.
isma: kelan uwi mo? baka pag nag-inuman matulog ka na naman ng "five minutes". hehe!

 
At 9:24 PM, Anonymous Anonymous said...

yol, kung sakaling matulog uli ako ng 5mins sa VIP room yun at malamang unahan nyo ako mag 5mins din hehehe.

Taena yol, may natuklasan akong website BAGO! www.friendster.com gumawa ako ng account subukan mo din eto raw yung LATEST ngayon. Cge ka, kaw din hindi ka 'IN'

URL ko http://www.friendster.com/30126524 gawan mo ako ng profile na pang maala ala mo kaya ha?

Shukran!

 
At 1:37 PM, Anonymous Anonymous said...

yol, wala kang kupas! idol! sarap basahin habang bored ka at wala magawa...
isma!! ano na balita sa iyo?? sama niyo ako inuman niyo... sagot ko yelo.. sosyal pah, sa 7-11 ko bibilhin.. hahaha=)
yol at isma...(pati na rin si daps).. nakakamiss na kayo...

-sandS

Off TOPIC: teka, si zhazha ba, nasa iyo na? di ka na kasi nagreply.. iniisip ko, baka wala pa sa himlayan niya si zhazha.. :)

 
At 2:41 PM, Anonymous Anonymous said...

isma:naku!bago nga iyan!tingnan mo yung account mo, friendsters na tayo.:) imbitahan mo rin yung ibang batchmates natin sa account ko para dumami ang iyong friendsters. sige, pagbalik mo, kakain tayo ng maraming talong. yung talong na nagigisa ha.

sands: oo, nakuha ko na. nakalimutan ko na yung text mo, madaling araw ko kasi nabasa.

 
At 5:26 PM, Anonymous Anonymous said...

Matagal na din akong hindi nakakakain ng talong. Share ka naman jan Yol...

 
At 1:26 AM, Anonymous Anonymous said...

uy! uy!!

mga tol! yung talong ko masarap..
(lalo na pag nasawsaw sa bagoong! mmm!)

FRIENDSTER??? ano un?>??? :P

 
At 3:51 AM, Anonymous Anonymous said...

yol.. sinasamba kita.. :P

 
At 3:53 AM, Anonymous Anonymous said...

yol.. sinasamba kita.. :P

 
At 10:45 AM, Anonymous Anonymous said...

yol!

panalo! hehehe.

isma,

pa-add naman sa friendster mo. erichopaolo@yahoo.com ung email ko.

 
At 4:34 PM, Anonymous Anonymous said...

sige ruth magsabi ka lang kung kailan ka babalik sa pinas. baka samahan na lang kita kumain ng talong kasi medyo sawa na ako. hoy eric! miss ko na ang chest hair mo!pilimon: hindi ka man lang ba mag-aalay ng pinya, saging, at pera sa sinasamba mo?

 
At 2:19 AM, Anonymous Anonymous said...

haha! ayoko na, ayoko na.. magastos pala manamba! :P

 
At 6:34 PM, Anonymous Anonymous said...

hehehe! anong oras b mga klase mo? pa sit in.

 
At 11:55 AM, Anonymous Anonymous said...

Seryoso? TTH ang klase ko. May 7-9, may 12-130, 130-3 at 3-430. Pagkatapos punta tayo sa brokeback fountain (meron lagoon)

 
At 9:36 AM, Anonymous Anonymous said...

galeng galeng talaga! nakakatawa! your the best! mahal na talaga kita!

 
At 6:27 PM, Anonymous Anonymous said...

makakalibang talaga ang palipas oras ko pag binabasa ko yung blog mo... hehehe... musta??

- gary

 
At 6:40 PM, Anonymous Anonymous said...

yol..
nkita rin kita sa wakas sa admu!!
next time, join ako sa brokeback fountain ha.. medyo magaling na ako dun eh!!

-sandS

 
At 7:19 PM, Anonymous Anonymous said...

leche yol ang lufet! musta na???

 
At 12:55 PM, Blogger PROSKENION said...

yol, nag-blogspot na rin ako.

di ko alam kung pano ako nabuhay sa hong kong nang di nagbabasa ng blog mo.

rabs

 

Post a Comment

<< Home