Sa buray ni ina nindong gabos
1.
Noong isang buwan nagbiyahe ako papuntang monumento para puntahan si Joanne na dumadalaw sa kaibigan niyang na-confine. Pagdating ko sa main gate ng ospital, tinanong ako ng isang guwardiya kung saan ba raw ako pupunta, kung sino raw ang bibisitahin ko at kung kaano-ano ko ang pasyente. Pagkatapos kong sagutin ang kanyang mga tanong, tiningnan niya ang kanyang listahan at itinuro ang main entrance. Doon raw ako pumasok, dumeretso raw ako tapos kumanan. Doon raw ako aakyat papunta sa Rm. 214, ang kuwartong kailangan kong puntahan.
Pagdating ko sa main entrance, tinanong ako ng isang guwardiya kung saan ba raw ako pupunta, kung sino raw ang bibisitahin ko at kung kaano-ano ko ang pasyente. Sinagot ko ang lahat ng tanong niya, isinawsaw niya ang kanyang metal detector sa bag ko, at tiningnan ang kanyang listahan. Dumeretso raw ako tapos kumanan. Doon raw ako aakyat papunta sa Rm. 214.
Lumakad ako sa corridor, at bago ako kumanan, may isang guwardiyang nagtanong sa akin kung saan raw ako pupunta. Sabi ko sa Rm. 214 sana. Sabi niya kumanan raw ako at umakyat papunta sa 2nd floor. Ginawa ko ang sinabi niya, pero bago ako dumating sa 2nd floor, ipinaliwanag ko muna sa isa pang guwardiya kung saan ako pupunta, kung anong pangalan ng bibisitahin ko, at kung kaano-ano ko ang pasyente. Sabi sa akin ng guwardiya, marami na raw siyang pinaakyat papunta sa Rm. 214 kaya hindi na ako puwedeng umakyat. Pumikit ako at bumuntong hininga. Naisip niya sigurong may binabalak akong masama kaya sinabi niya sa aking pagbibigyan niya ako, ako lang, basta mangangako akong bababa ako agad para hindi magsikip sa Rm. 214. Sabi ko opo, at mabilis akong naglakad sa pataas na daan. Napatigil ako nang may makasalubong akong nurse – akala ko kasi tatanungin niya rin ako kung saan ako pupunta at kung sino ang bibisitahin ko at kung kaano-ano ko ang pasyente. Buti hindi siya nagtanong.
Sa Rm. 214, may tabing ang lahat ng kama. Dahan dahan akong naglakad, nakikiramdam kung saang tabing ako dapat pumasok. Sa kanan, narinig ko ang boses ng kaibigan ni Joanne. “Ayan na pala si Yol, e.” Hinawi ko ang kurtina, binati ang mga tao sa loob, at tinapik ang balikat ng nakaupong si Joanne.
Pagkaupo ko, inalok ako ng hamburger ng nanay ni Alpha, yung kaibigan ni Joanne. Nag-alangan akong tanggapin dahil naisip kong hindi masarap kumain ng hamburger kapag nagkukuwentuhan tungkol sa miscarriage. Pero sabi ng nanay, sige na, tanggapin mo na, minsan lang kita alukin e. Kaya kinuha ko na ang burger, tinanggal ang balot at kinagat ito. Regular McDo Burger. Walang pickles at ketchup at lettuce.
Habang kumakain ng burger, nakinig ako sa mga usapan at nabuo ko sa isip kung ano ang nangyari. Pinayuhan raw si Alpha ng doktor na magbed rest dahil sensitibo ang kanyang pagbubuntis. Nag-leave siya sa trabaho. Kaya lang, sa halip na magbed rest ay naglaba naglinis at nagluto siya. Kaya ayun, dinugo siya. Ikalawang araw niya raw sa ospital nang bigla siyang mapabahing. Kasabay raw ng pagbahing na yun ang paglabas ng dalawang buwang sanggol sa kanyang puwerta.
Gusto kong tumawa nang marinig ko yun, pero nang makita ko ang mukha ng mga tao sa paligid, nagpasya akong huwag na lang. Nahirapan akong ubusin ang burger ko.
2.
Alam mo na ito, narinig mo na ito: Ang pambansang awit ng 6th Ateneo National Writer’s Workshop.
Tigidong
Ang puki ko na kulay rosas
Namumukadkad pag hinimas himas
At ang namumulang talulot
Dinadaluhong ng mga bubuyog
Kapag ako’y nalilibugan
Tumitihaya kahit sa lansangan
At ang bawat makakita
Agad akong pinapatungan
Iniyot iyot iyot
Ang puki kong makipot
Namumula’t sariwa
Namamasa ang hiwa
Tigidong tigidong tigidong
Nagsalsal na si Dudong
Mula nang makita
Ang butas ko at kuweba
Ganyan ang dalaga
Lalo pa’t mayro’ng regla!
Matapos ang ilang google search, nalaman kong hindi totoo ang kumakalat na balitang si Ali Sotto ang kumanta nito. Hindi ko pa rin alam kung sino ang mang-aawit, pero sa tulong ni G. Michael Coroza, ang host ng Harana ng Puso sa DWBR, nalaman kong hango ito sa isang awiting bayan ng mga Cebuano - ang Rosas Pandan. Heto ang lyrics ng version na isinama ni Sheryn Regis sa kanyang Cebuano folk song medley noong Sabay Tayo Kapamilya concert: http://www.youtube.com/watch?v=h1leOtZ_Upk&search=visayan
Rosas Pandan
ani-a si Rosas Pandan
gikan pa intawon sa kabukiran
kaninyo'y makiguban-uban
ning gisaulog ninyong kalingawan
balitaw da'y akong puhunan maoy kabilin sa akong ginikanan
awit nga labing karaan nga garbo sa atong kabukiran
tigidong tigidong tigidong
ay-ay sa 'tong balitaw
maanindot pa mo sayaw
daw yamog ang kabugnaw
tigidong tigidong tigidong
intawon usab si Dodong
nagtan-aw kang Inday
nagtabisay ang laway
Nasabi rin sa akin ni Sir Mike na may Tagalog version ang Rosas Pandan, na itinanghal naman ni Pilita Corales. Feeling ko iyon talaga ang inispup ng Tigidong. Ilalagay ko rito ang lyrics kapag napakinggan na namin ang LP sa opisina ni G. Coroza. Samantala, ito ang lyrics na nakita ko sa http://members.tripod.com/jayars/lyrics.html#rosas
Rosas Pandan
Visayan Folk Song
Dalaga ay parang rosas
Bumabango pag namumukadkad
Habang hinahagkan ng araw
Lalong gumaganda ang kulay
At ang ngumingiting talulot
Nilalapitan ng mga bubuyog
Ang mutyang iyong nililiyag
Ay tulad din pala ng rosas.
Kahit na umula’t kumidlat
Kayganda rin ng rosas
Lalong sumasariwa
Sa tubig ng paglingap.
Ngunit pag binagyo’t inunos
Ang rosas ng pag-irog
Sawi ang pagsuyong
Nilanta ng Paglimot.
Ganyan ang dalagang
Sawi sa kanyang pag-irog.
3.
May kumakalat na balita tungkol sa nakaraang Ateneo College Entrance Test. Pagdating raw sa bahaging MATH ng nasabing pagsusulit, isang estudyante ang biglang tumakbo palabas ng examination rm., nagdurugo ang mata, tenga at ilong. Matapos makagawa ng ilang hakbang, bumagsak siya sa sahig. Dead on the spot. Hindi totoo yun. Ganito ang tunay na nangyari.
Ilang minuto bago magsimula ang pagsusulit, isang tatay ang lumapit sa mga proctor. Hindi raw makakukuha ng pagsusulit ang kanyang anak dahil isinugod sa hospital. Matapos ang ilang oras, namatay ang batang iyon. Sumalangit nawa.
Pagdating sa bahaging ENGLISH ng ACET, nagdugo ang ilong ng isa sa mga kumukuha. Mataas ang lagnat. May dengue na pala’y kumuha pa ng exam.
Isang estudyante naman ang nagsuot ng maikling-maikling palda sa araw ng kanyang pagkuha ng ACET. Hindi niya alam na kapag may ganitong pagsusulit, madalas umatake ang sakit na kung tawagin ay dysmenorrhea. Ayun, dinugo siya. To the maxx. Tinapos niya ang test na nakaupo sa diyaryo. Hindi ko alam kung paano tinapos ng mga katabi niya ang pagsusulit.
4.
Madalas kong marinig ang murang ito sa mga Bicolano/a na nakatira sa lugar namin: Buray ni ina mo!
Puki ang ibig sabihin ng buray; nanay naman ang ina (katugma ng sipa, lila, tina), kaya buray ni ina mo = puki ng nanay mo. Mas madalas ko itong marinig kaysa hijo de puta (son of a bitch), na sa tingin ko tama lang naman dahil lahat may nanay na may puki, pero hindi lahat ay puwedeng maging son of a bitch (hindi ko naririnig ang hija de puta).
Bakit kaya buray ni ina mo na ang pinakamaanghang na insulto ng isang tribong mahilig pamandin sa sili? Kung tutuusin, pagbigkas lang naman ito ng isang bahagi ng katawan. Hindi katulad ng hijo de puta na gumagawa ng statement tungkol sa pinanggalingan mo – puta ang ina mo. Ang mas ipinagtataka ko, sa lugar namin, madalas ko itong marinig sa mga nanay na nagagalit sa kanilang mga anak. Hindi ba, kapag nanay ka at sinabihan mo ang anak mo ng buray ni ina mo, puki mo ang tinutukoy mo?
7 Comments:
1. mabuti hindi ka natawa. pero nakakatawa nga talaga.
2. talagang nag-research sa kantang yan! :D
3. iyan na siguro ang pinakamadugong ACET . :D
4. no comment.
Kawawa naman sir yung mga nakasabay nagtake nung babae sa 3. Buti nalang hindi airconditioned ang rooms sa Ateneo.
hey jo d mango, give me some advice!
boyet!buti ka pa enrolled na.
brandz:kawawa rin naman yung babae. di ba?
Oo nga sir. Sipon pa nga lang, 'di nako makapagconcentrate e.
ang MAONG kumukupas..
pero si YOL..--
hindi kumukupas..
yOL..
Y..
o..
L..
YOL!
:)
gusto ko sana magkumnento ng mahaba sa sobrang paghanga.. pero.. pero.. wala ako masabi.. pakiss na lang! :P
Buray ni ina mo! *peace!*
Post a Comment
<< Home