Sulat para sa congressmang dating may-ari ng Abante Tonite, Una sa Balita (hindi na ngayon, hindi na ngayon, hindi na ngayon wala na ang Abante Tonite ngayon) at gumagawa ng panukalang batas na magbabawal sa mga magasing gaya ng FHM, Maxim, Uno at Red
Dear Xerex,
Sumulat po ako kasi wala rin akong magawa at makausap sa bahay. Naisip kong kapag nalathala ang sulat na ito, magkakaroon ako ng media exposure, at iisipin ng mga mambabasa (lalo na yung mga bobo) na mayroon akong sex life, kahit na halata namang wala akong ibang pinagkakaabalahan kundi gumawa ng mga sulat na ganito.
Xerex, ang sama ng panaginip ko kagabi. Nasa isang kama raw ako, kasama sina Francine Prieto, Katrina Halili, Angel Locsin at Ehra Madrigal. Nasa gitna raw ako ng kama, at sila, nasa hilaga, timog, silangan at kanluran. Sabay-sabay daw nila akong dinidilaan. Yung isa sa kanila, hindi ko malaman kung sino, malikot ang dila. Yung isa naman, hindi ko rin malaman kung sino, basang-basa ang dila. Yung isa naman, mabilis dumila. At yung isa pa, mainit na mainit ang dila.
At may nagtatanong raw sa akin. SINO SA KANILA ANG PINAKAMASARAP DUMILA? Sabi ko po, hindi ko alam, hindi ko alam. SINO SA KANILA ANG PINAKAMASARAP DUMILA? Sabi ko uli, hindi ko alam, hindi ko alam. Ano ba ang mga pamantayan? SINO SA KANILA ANG PINAKAMASARAP DUMILA? Sabi ko uli, hindi ko alam, basta, masarap. Basta, masarap ang iba’t ibang klase ng pagdila!
At saka ako nagising, Xerex. Inis na inis ako. Inis na inis ako kasi mabait naman akong tao, hindi naman ako nag-iisip ng mga bagay na bastos. At ngayon mapupunta ako sa impiyerno dahil nanaginip ako tungkol sa mga bastos na bagay. Hindi ko naman sinadya yun Xerex di ba? MAPUPUNTA AKO SA IMPIYERNO KAHIT HINDI KO SINASADYA!
Alam mo Xerex, nakita ko kahapon ang kapitbahay namin, nagbabasa ng mga bastos na magasin. Walang hiya! (yung kapitbahay po namin, hindi kayo). Walang hiya! (yung kapitbahay po namin uli, hindi kayo). Nakita ko siya, ipinatong niya sa ibabaw ng kanilang aparador ang mga magasin matapos niyang basahin. Napakairesponsable. Hindi ba niya naisip na kapag pumasok siya sa trabaho, baka basahin ng anim na buwang gulang na anak niya ang mga magasing ipinatong niya sa kanilang aparador? Hindi ba niya naisip na baka pumasok sa bahay nila ang Grade One kong anak at basahin ang mga magasing ipinatong niya sa ibabaw ng kanilang aparador? Bobo! (yung kapitbahay po namin, hindi kayo). Walang isip! (yung kapitbahay po namin, hindi kayo).
Kaya binantayan ko ang mga magasing iyon, Xerex. Bumili ako ng teleskopyo at naglagay ako ng mga hidden camera sa kanilang bahay. Para mabantayan ko ang mga magasing iyon. Hindi iyon dapat mabasa ng ibang tao.
At nangyari ang isang bagay na kagimbal-gimbal. Pagkagat ng dilim, nang matulog na ang kapitbahay namin, napansin kong gumagalaw ang mga magasin. Bumubuka ang mga pahina. At bumangon ang mga hubad na babaeng nasa mga pahinang iyon! Tinigasan ako, Xerex. Sinaklot ako ng matinding pagnanasang manggahasa ng mga babae dahil nakakita ako ng hubad na katawan. Hindi lang babae, Xerex. Dahil nakakita ako ng hubad na katawan, gusto ko na ring manggahasa ng mga sanggol, ng aso, ng giraffe, ng water bufallo, ng air con, ng jeepney, ng MegaMall. Lahat, gusto kong gahasain dahil nakakita ako ng hubad na katawan!
Pero handa ako sa ganoong mga pagsubok, Xerex. Naglabas ako ng punyal at hiniwa ko ang aking braso. Pagkatapos hiniwa ko naman ang inihanda kong dayap. Pinatakan ko ang aking sugat ng katas ng dayap para hindi ako maharuyo ng mga hubad na katawang nakita ko. At nagjakol rin ako para hindi umapaw ang aking pagnanasa.
Hindi alam ng mga babaeng hubad na pinapanood ko sila. Hindi nila alam na nakita ko kung paano silang nagsayaw, nag-split, naligo ng VCO (virgin coconut oil). Hindi nila alam na kitang kita ko ang pagkintab ng kanilang balat sa liwanag ng buwan. Hindi nila alam na nakita kong hinahalikan nila ang isa’t isa, una sa kanilang mga labi sa itaas, patungo sa kanilang labi sa ibaba. Nakita ko ang lahat, Xerex. Ang sabunutan. Ang posas. Ang latigo. Ang tube ice. Ang kanilang pag-missed call sa isa’t isa para mag-vibrate ang kanilang mga cellphone. Ang talong. Ang kalabasa. Narinig ko ang kanilang mga tawanan, tilian, pag-iri, halinghing. At mula sa aming bintana, halos naaamoy ko sila. Malamig na maalat na makinis ang kanilang amoy.
At nangyari ang hindi ko inaasahan. Isa-isa silang tumayo. Tinubuan sila ng mga pakpak. At nahati ang kanilang mga katawan! Lumipad sila, Xerex. Lumipad sila. At hindi ko na nalaman kung ano pang ginawa nila.
Doon luminaw sa akin ang lahat. Ang mga babae sa magasin. Sila ang naghahasik ng lagim sa bansang ito! Sila ang dahilan kung bakit mataas ang presyo ng bigas at ng petrolyo. Sila ang dahilan kung bakit hindi pa rin napapatalsik si Gloria Macapagal Arroyo. Sila ang dahilan kung bakit may mga nagugutom sa Payatas. Sila ang dahilan kung bakit paunti-nang paunti ang mga palabas ni Kris Aquino sa ABS-CBN. Sila si Cristy Fermin. Sila si Boy Abunda. Sila ang internet. Sila ang cable TV. Sila ang graft and corruption. Sila ang globalization. Sila ang terorismo. Sila si Claire Danes. Sila si Madam Auring. Sila si Mahal. Sila si Willie Revillame. Sila si Joey de Leon. Sila si Dennis Trillo. Sila ang bumabakat na betlog ni Dennis Trillo.
Kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon. Napakabigat ng responsibilidad na nakaatang sa aking mga balikat. Ako ang magwawakas ng kanilang paghahasik ng lagim. Ako si Lapu-lapu. Ako si Lam-ang. Ako si Jose Rizal. Ako si FPJ. Ako si Zaidos. Ako si Lastikman. Ako si Bro Eli Soriano. Ako ang ABS CBN at GMA. Ako si Yol. Ako si Jesus. Ako si Angelina Jolie. Ako ang kabataan. Ako si Manny Pacquiao. Ako yung lalaki sa La Salle Sex Scandal. Ako si Chris Tiu. Ako si Boy Bawang.
Bawang. Tama, bawang. Kumuha ako ng bawang at dinala ko ang aming pantaktak ng iodized salt. Hindi. Dapat rock salt lang ang gamitin ko dahil baka tumalino pa ang mga putanginang to. Dahan-dahan akong lumakad Xerex. Dahan-dahan, para hindi mahalata ng kapitbahay namin. Bukas ang kanilang bintana. Meron akong madadaanan.
Madali akong nakapasok Xerex. Madali kong nalagyan ng crispy garlic bits ang mga katawan. Nilagyan ko ng rock salt ang bawat nahating katawan. Kiniskis ko pa. ETONG SA INYO MGA PUTA! MGA POKPOK! MGA SALOT SA LIPUNAN! HAHAHAHAHAHAHAHAHA (ang mga manananggal, Xerex. Hindi ikaw).
Yun lang po, Xerex. Sana nagustuhan mo ang sulat kong ito. More power and God bless.
Jack
Labels: jakol, xerex. kwento ni xerex
11 Comments:
hellooooooo sir. grabe to. idol! :)
syet, naphi-p.h.i.l.i.p.p.i.n.e.s. ako sa entry mo. panalo.
lovelots,
greta
shet, dumaan si marguerite sa blog ko! schlockschlockschlockschlock
meklot: huwag mo akong tutularan. you can do better
hahahahaha! idol ko si Jack!
Sir, maaari kayang may mga nagbihis sila at sa kasalukuyan e nag-aaral sa Ateneo? Hmmm.
kung ganoon, isusumbong ko sila kay jack
yol bat ganun ang ending ng letter? tinamad ka at di mo na nikuwento ang sex scenes pagbalik ng mga kalahati ng katawan ng mga babes =( Bading!!! (si Jack, inde ikaw Yol!)
isma!belated!kumusta ka na ba diyan? hindi ko alam kung anong nangyari pagdating nung mga babes. si jack ang nakakaalam
ano ba meron sa betlog ni Dennis Trillo?
haha
libag!
You were great during the poetry reading this afternoon. I loved the last bit that you added (yung may parody po ng axe commercial :D). I'm officially a fan. :D
Rock on and God bless. :)
Post a Comment
<< Home