Akosiyol Tonite vol 3 (collect them all!)
I write to express, not to impress
Pag-utot, ipagbabawal sa Loyola Schools!
Loyola Heights -- Simula Oktubre ng taong ito, ipagbabawal na ang pag-utot sa mga Paaralang Loyola, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source ng Akosiyol Tonite. "Ang pag-utot ay isang malinaw na paglabag sa Clean Air Act at sa karapatan ng bawat Atenista na makalanghap ng sariwang hangin," dagdag pa ng source, na ayaw magpabanggit ng pangalan.
Kaugnay nito, kumuha ng karagdagang mga security guard ang administrasyon ng Ateneo upang rumonda at manghuli ng mga umuutot. Karamihan sa kanila ay itatalaga sa mga comfort room, kung saan inaasahang maraming lalabag. Mayroon ring itatalaga sa cafeteria at Manang's, kung saan pinakamabigat ang parusang ipapataw sa sinumang uutot. "Ipalalagay sa tarpaulin ang pangalan ng mga estudyante at gurong mapatutunayang umutot sa caf at Manang's. Ipapaskil ang mga tarpaulin na ito sa paligid ng Ateneo, katabi ng mga mga tarpaulin na nagsasabing One Big Fight! kapag nananalo sa UAAP ang Ateneo," dagdag pa ng source. Nang tanungin kung kasama sa patakaran ang mga administrador, isinagot niya: "Hindi naman umuutot ang mga administrador."
Iba-iba naman ang naging reaksiyon ng mga guro at estudyante sa nasabing patakaran. Para kay Violet (hindi tunay na pangalan), isang estudyante ng JG School of Management, tama lang ang naging pasya ng administrasyon. "Hindi naman ako pumupunta sa mga CR para umamoy ng utot dati, pero natutuwa ako na kapag pumunta ako sa CR ngayon, may mga guwardiyang nagbabantay para proteksiyunan ako sa mabahong amoy," aniya. Ganito rin ang opinyon ni Onemig (hindi tunay na pangalan), estudyante ng School of Science and Engineering. "Anong klaseng men and women for others tayo kung ipaaamoy natin sa iba ang utot natin di ba?" paliwanag niya. Iba naman ang opinyon ni Marimar (hindi tunay na pangalan), estudyante ng School of Humanities. Kuwento niya, "Nakakainis. Ngayon kailangan ko nang umutot nang limang beses sa tabi ng Ministop bago sumakay ng tricycle papunta sa Ateneo. Para hindi na ako uutot throughout the day." Para naman kay G. Blogag ng School of Social Sciences, kailangang sundin ang patakaran, hindi man ito kumportable para sa marami. "We have to "think Loyola Schools" you know. Hindi lang dapat sarili nating kabag ang iniisip natin." Ikinuwento niya ring nagsisimula na siyang umiwas sa pagkain ng itlog at beans na maaaring magtulak sa kanyang lumabag sa patakaran.
Sa kaugnay na balita, pinag-uusapan rin kung ipagbabawal sa Ateneo ang pagsusuot ng maikling palda para hindi makita ang panty. Hindi pa man naihahain ang pormal na mga patakaran, may mga nagpahayag nang hindi na sila magsusuot ng panty para hindi na ito makita ninuman.
10 Comments:
Benta hahahahhaaha! Kung bawal umutot dapat payagan na ang alak sa Loyola Schools, pamalit kumbaga sa "addiction" natin sa pag-utot....
yol sabihan mo ako pag naipatupad na ang bawal magsuot ng maiksing palda para makapag enrol agad ako...
ako, hindi naman ako adik sa pag-utot kaya okey lang ang ganitong patakaran. isma: eversince naman hindi ako nagpapalda tsaka nagpapanty dito sa ateneo e. di mo ba napansin?
baka sa susunod ipagbawal na 'yung pagtugtog ng Lupang Hinirang tuwing umaga dahil noise pollution :|
hahahaha! panalo to yol! haha!
next time siguro bawal nang pumasok para wala nang magreklamo!
mabuti't graduate na ako. eh ikaw, nandyan ka pa rin dahil teacher ka. malamang ay abot langit ang kalungkutan mo dahil sa dress code.hehehe!
Mabuti naman nagkaroon ng kasunduan ang Loyola Schools, ang gobyerno at mga mag-aaral.
Sa isang lugar na lamang maaring umutot. Isang malaking tipon ng utot. Hahaha.
ewan ko ba
"Hindi naman umuutot ang mga administrator"
Sana nga, sir. Sana nga.
sir! ayos ka talaga! benta!! galing! hahaha:))
would you mind if i copy this sa blog ko? ililink ko na rin po dito :)
salamat po! ;)
-sas, fil11C sy2005-06 first sem
hello sas. sige, ikaw ang bahala.
Post a Comment
<< Home