Wednesday, November 14, 2007

Ang asong si Hahaha, ang julamantrax, ang secret namin ni God at ang kakaibang pangyayari sa estasyon ng MRT


1.
Kanina, sa Pocket Garden, may narinig akong nagkukuwentuhan tungkol sa isang kaibigan daw nilang may asong ang pangalan ay Hahaha. Yun raw ang ibinigay na pangalan ng kaibigan nila para sa tuwing makikita niya ang kanyang alaga, lagi siyang matatawa. Roll over, Hahaha! Sit Hahaha! Play dead Hahaha! Ganun raw kausapin ng kaibigan nila ang asong si Hahaha. Tapos may nagsabing maganda rin daw gamiting term of endearment ang Hahaha para siguradong laging masaya ang usapan ng mga magsing-irog.

A: Kumusta naman ang araw mo, Hahaha?
B: Mabuti naman, Hahaha. Hahaha?
A: Ano yun, Hahaha?
B: Buntis ako, Hahaha.

Yun.

2.
Akala ko magiging kasingsikat ng Inday at Boy Bastos jokes ang mga text na ganito, pero so far, dalawa pa lang ang natatanggap ko

a) galing kay pam
Colorrific...(Colorrific)
Ang shombey...(Ang shombey)

Colorrific
Ang shombey
Sa shinabumey na juley
- baklush kids singing sinabawang gulay

b) galing kay vlad
Valer kuberch
kahit jutay
ang julamantrax donchi
ay anek-anek
nyongkamas, at nutring
nyogarilyas at kipay
nyitaw, nyotaw, jutani!
Kundol, jutola, jupot
jolabastrax at mega join-
join pa, jobanox nyustasa
nyubuyax, nyomatis
nyomang at luyax
and around the keme ay
fullness ng linga!
- bahay kubo ng dalawang batang bading

3.
Tatlong araw akong nag-retreat last week, bilang bahagi ng mga requirement para sa mga bagong full time na teacher sa Ateneo. Sa pagitan ng mga group dynamics galore, binigyan kami ng mga lecture tungkol sa buhay ni San Ignacio, tungkol sa iba't ibang paraan ng pagdarasal at tungkol sa pagiging guro sa Ateneo.

Sa retreat na yun naisip kong a) napakarami palang magandang teacher sa Ateneo gradeschoool. Nang makita ko sila, nagkaroon ako ng matinding pagnanasang maging isang bad and naughty boy para paluin nila ako sa puwet at turuan ng leksiyon b) tatlong beses ka palang tatae kung lalamunin mo nang lalamunin ang mga pagkaing inihahain sa iyo at c) hindi dapat ginagawang kuwarto ang isang mini chapel. Marami pa akong ibang naisip sa retreat na iyon, pero secret lang namin yun ni God.

4.
Kani-kanina lang, nakatapak ako ng tae sa estasyon ng MRT. Sa bansa talagang ito, higit saan man, shit happens, pare.

4 Comments:

At 1:23 AM, Anonymous Anonymous said...

yol dito sa baghdad wala kang maapakan na tae. Kasi bukod sa tao, trip din nilang mamaril ng mga pakalat kalat na aso =)

ang saya saya!

 
At 9:00 AM, Anonymous Anonymous said...

o, wag kang pakalat kalat diyan sa baghdad ha?

 
At 1:29 AM, Anonymous Anonymous said...

Magandang ideya 'yung pangalang HAHAHA ha! ;p

 
At 5:59 PM, Blogger pb said...

tae po? sa mrt? sa loob? stig.. haha. siguro naman po naka sapatos o tsinelas ka. ok lang yun. isipin mo nalang swerte ka. hehe.

 

Post a Comment

<< Home