E putang ina ka pala e
Naaasar ako sa mga taong mahilig magmura, hindi naman nadadala. Nagmumura dahil akala niya cool siya. Yun bang nananahimik ka sa pocket garden tapos may darating at sasabihin sa kasama niya: "Tangina, ang ganda ng Twilight! As in, tangina!". Tangina.
Napakaespesyal ng putangina, hindi dapat binibigkas nang basta basta. Kapag sasabihin mong puta ang ina ng isang tao, dapat espesyal ang okasyon. Meron namang ibang lesser na mura na puwede mong gamitin kapag pangkaraniwan lang ang konteksto, gaya ng shet, gagu o kaya ulol. O kaya fuck you. So kapag gusto nating magkumento tungkol sa Twilight, huwag na sana tayong mandamay ng nanay. Puwede na ang "Gagu, ang ganda ng Twilight! Gagu, as in!" o kaya "Shet, ang ganda ng Twilight. As in, shet!".
Ganito gumamit ng putangina ang tiya ko: "Mga putangina niyong mga hayup kayo, pinapalamon ko kayo tapos maghugas lang ng plato hindi niyo pa magawa! Kung ayaw niyong hugasan, itapon niyo na ang mga putanginang platong yan!" Yan, ganyan magmura. Ang astig kaya nun, nanay ka tapos sinasabihan mo ang mga anak mo ng putang ina niyo!
Kung gagawin mo nang mahusay, puwede mong baguhin ang buhay ng isang tao gamit ang putangina. Yung tatay ko halimbawa (sumalangit nawa), ganito ang sinabi sa akin nung grumadweyt ako sa kinder: "Putang ina mo, bakit Most Polite ka lang, ha? Ha?" Ayun, pagdating ko sa Grade One, first honor na ako.
Puwede mo ring gamitin ang putangina para mailigtas ang sarili mo sa mga walang kuwentang usapan. Pagkatapos na pagkatapos ng unang sentence ng isang taong hindi mo naman gustong kausapin, sabihin mo agad: "E putangina ka pala e." Pangako, hindi ka na kakausapin nun uli. Ganito rin ang ginagawa ng mga kapitbahay namin kapag dumadating ang bumbay para maningil. Mag-iinuman muna sila tapos kapag dumating ang bumbay at nagsalita, sasabihin nila: "E putangina mo pala e!". Mahalagang factor yung nakainom na sila kapag sinasabi nila yun, kasi alam naman nating lahat na hindi dapat pinapatulan ang isang lasing na nagmumura.
Timing, mahalaga ang timing kapag binibigkas ang putangina. Noong isang linggo, dito sa lugar namin, binato ni Joseph ng basong pantagay si Pututo. Nasapul sa mata si Pututo, at ang huli kong balita ay bulag na raw ang isang mata. Ganito ang nangyari. Bale nag-aaway sila tungkol sa kung kaninong pamilya ang pinaka-astig. Napikon si Joseph. Binato niya ng basong pantagay sa mukha si Pututo. Tapos sabi niya, "Putangina mo, hindi ko gusto ang tabas ng dila mo a!". Pansinin na kapag sinabi ni Joseph ang "Putangina mo, hindi ko gusto ang tabas ng dila mo a!" bago niya inihagis ang baso, naramdaman sana agad ni Pututo na pikon na siya, at baka nakailag pa sa hinagis na baso. Pero dahil ginawa ni Joseph ang pagmumura pagkatapos ihagis ang baso, hindi nakapaghanda si Pututo. At hindi na siya nakasagot sa mura ni Joseph dahil abala na siya sa paghawak sa kanyang mata. Literally adding insult to injury, kumbaga.
Hindi dapat ginagamit na pambungad sa usapan ang putangina, gaya ng ginawa nung pa-cool na Twilight fan sa pocket garden. Masyadong papansin ang nagiging dating. Mas maganda kung may mauuna munang pahayag bago mo bitiwan ang mura. Halimbawa:
X: Kuya, buntis ako.
Y: Ay, putangina.
X: Pare, hindi na kami.
Y: Putangina mehn! Inom tayo! O kaya
Y: E putangina ka kasi e!
X: Tingnan mo tong suot kong panty ngayon.
Y: Putangina!
Y: Lalabasan na ako! Lalabasan na ako! Putangina, I love you! I love you!