Tuesday, January 13, 2009

Ang pinakamalufet na blog entry sa buong mundo, pati sa Japan
(halaw sa Tribute ng Tenacious D)
Noong unang panahon, matagal na matagal na, nung may regla pa ang lola ko (sabi sa yo matagal na e), naglalakad ako sa Kalayaan, pauwi sa Kabute St. Bigla na lang, mula sa kadiliman ay lumitaw ang Demonyo. Kamukha niya si Boy Abunda.
Sabi niya, "Isulat mo dito sa laptop ko ang pinakamalufet na blog entry sa buong mundo pati sa Japan. Kung hindi ay sisipsipin ko...ang kaluluwa mo." Sabi ko, "Now na?" Sabi niya, "Yez." Sabi ko, "K"

Minsan lang sa isang milenyo mangyari ang ganito. Pumikit ang buwan at ang mga bituin. Nilamon ng kadiliman ang buong Kalayaan. Tumigil ang bulungan ng mga dahon. At lahat ng pusang kalye ay dumating para manood.

Nagsimula akong umawit:

I write the blog that makes the whole world sing/
I write the blogs of love in special ways/
I write the blog that make the young girls cry/
I write the blog, I write the blog//

At sinimulan kong itayp ang unang blog entry na dumating sa isip ko. Nagkataong iyon rin ang pinakamalufet na blog entry sa buong mundo, pati sa Japan.

Siyempre, nagulat ang Demonyo. Binasa ko nang malakas sa kanya ang pinakamalufet na blog entry sa buong mundo pati sa Japan at unti-unti siyang nalusaw! Sabi niya, "Ikaw ba si Anne Curtis?" Sabi ko "Hindi, akosiyol."

I write the blog that makes the whole world sing/
I write the blogs of love in special ways/
I write the blog that make the young girls cry/
I write the blog, I write the blog//

I am blogging, and I write the bloooog!


...

Hindi ito ang pinakamalufet na blog entry sa buong mundo pati sa Japan.


Isa lamang itong pag-alala sa pinakamalufet na blog entry sa buong mundo pati sa Japan.


Ang ikinalulungkot ko, hindi ko na maalala ang mga isinulat ko noong gabing iyon. Ang ikinalulungkot ko pa, hindi kasinglufet ng blog entry na ito ang pinakamalufet na blog entry sa buong mundo pati sa Japan. Sorry

14 Comments:

At 12:56 AM, Anonymous Anonymous said...

Hahaha! Be you angel?

You said, "Nei.. akosiyol"

apir!

 
At 7:04 AM, Blogger yAnaH said...

at napakanta rin naman ako gamit ung nakahain mong lyrics ahihihihi

 
At 1:08 PM, Anonymous Anonymous said...

malufet nga

 
At 1:18 AM, Blogger mdlc said...

nakasalubong ko sa kalayaan ang demonyong kamukha ni boy abunda. sabi niya, "alam mo ba kung bakit hindi kasama ang japan sa buong mundo?"

sabi ko, oo.

sabi niya, o sige nga, bakit? dahil ba sila ang nag-imbento ng wasabi? dahil ba parang american brand ang pangalang "sony"?

sabi ko, deyn.

sabi ko, hindi kasama sa buong mundo ang japan kasi masasamang tao ang nakatira du'n. naninilip sila ng mga babaeng jumijingle sa public toilet. tinuhog nila ng bayoneta ang mga sanggol ng southeast asia noong ww2. sila ang nag-imbento ng wasabi.

tapos naalala ko si maria ozawa, at naisip kong, ay. hindi pala. japan rocks.

wala lang.

 
At 9:41 AM, Anonymous Anonymous said...

hahahaha!

...teka lang. muntik na ako dun a.

Ngayun-ngayon lang luminaw sa akin. Hindi tao si Maria Ozawa. Siya ang Diyosa ng mga bote ng Lotion na misteryosong nauubos agad ang laman kahit bihirang gamitin ng mga ateng bumili sa Avon Lady.

 
At 11:22 AM, Anonymous Anonymous said...

mas tinigasan ako sa utong ni boy abunda kaysa utong ni maria ozawa...

 
At 3:55 PM, Anonymous Anonymous said...

Hello. Ako ang demonyo. At gusto ko lang kayong papurihan dahil sinungaling kayo.

Hindi naman ninyo ako nakausap, at hindi ko kamukha si Boy Abunda.

Kamukha ko... si Maria Ozawa.

Mwahahahaha.

 
At 2:11 PM, Anonymous Anonymous said...

Kapag malakas ang turismo, maraming trabaho.

 
At 2:21 PM, Anonymous Anonymous said...

Kapag ang palay naging bigas, may bumayo.

 
At 10:49 AM, Anonymous Anonymous said...

... kaya't kailangan pag-ibayuhin ng husto ang pagbayo.

yol you are my hero!

 
At 12:42 AM, Anonymous Anonymous said...

huwag kang aayaw! think positive!
huwag kang aayaw! think positive!
huwag kang aayaw! think positive!

 
At 1:01 PM, Anonymous Anonymous said...

para sa lakas na di umaayaw
para sa bata
para sa pagbabago
para sa maliliit at bagong Wikipedia
PARA SA MASA Lyrics
Para Sa Mga Hindi Mamamayan
para sa mga Beteranong Pilipino
PARA SA MASA LYRICS
Para sa Masa - Free MP3 Stream on IMEEM Music
para sa Pag-unlad ng
para sa Alam Ba Ninyo - Wikipedia
para sa Isa pang Bakla tungkol sa mga Bakla
Para Sa'yo
para sa "stimulus ...

 
At 1:20 PM, Anonymous Anonymous said...

This comment has been removed by a blog administrator.

 
At 7:14 PM, Anonymous Anonymous said...

ako lang ang yol dito

 

Post a Comment

<< Home