Tuesday, July 29, 2008

Petisyon Upang Ipatigil ang Pagdiriwang ng Monthsary Bilang Pag-alala sa Araw ng Pagiging MU (mag-un)

Kaming mga boypren na wagas ang pagmamahal sa aming mga gelpren anumang lugar at panahon ay nanawagan sa PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO na ipatigil, ipagbawal at patawan ng parusang reclusion perpetua ang pagdiriwang ng MONTHSARY. Nakikita namin ngayon kung paano minamanipula, pinahihina at nilalason nina Hallmark et al, Close-Up et al at Holland Tulips et al ang aming walang hanggang pag-ibig para sa aming mga bebe, beybe, beybeh, shawty, boo, babes, labs, cutiepie, sweetie, sweetiepie, pag-ibig, munchkins, honeybunch, honey, sugar, tiramisu, banana flambeaux, cupcake, buttercup, chuva tsutsu at eklavu. Isa itong manipestasyon ng imperyalismo, globalisasyon at burukrata-kapitalismong sumisirang parang kalawang sa aming mga personal na relasyon. Naninindigan kami sa muling pagtatatag at pagpapatibay sa institusyon ng pag-ibig kung saan nagsumikap kaming paglingkuran ang kabutihan ng aming mga lovey dovey, sa halip na aming mga sarili at interes ng iilan.

Hindi kayang pagtiwalaan ng taumbayan ang gobyernong nambabalewala sa pangangailangan ng kanyang mga mamamayan. Ipinagkakaloob natin sa gobyerno ang kapangyarihan sa ating buhay, rekurso at kinabukasan. Kung may malalim na pagdududa sa gobyerno tungkol sa mga bagay na mahalaga sa interes ng publiko, hindi magkakaroon ng tunay na kapayapaan o matibay na pagkakaisa hanggat hindi nareresolba ang mga pagdududa.

Hindi tayo maka-uusad hangga’t may MONTHSARY.

Kung hindi sa amin maipagkakaloob ang napakamakatwirang kahilingang ito, hihingin naming sa halip ay ipagkaloob ang mga sumusunod:

1. Ipatigil ang paniningil ng VALUE-ADDED TAX lalung-lalo na sa mga pangunahing consumer goods;
2. Ikalawa, iutos ang paglalabas at paghahatid sa Senado ng lahat ng pampublikong tala na may kinalaman sa kasunduang NBN-ZTE, simula sa katitikan ng mga pagpupulong ng lupon ng NEDA hinggil sa proyekto;
3. Ikatlo, gamitin sa mas praktikal at lohikal na paraan ang perang “ipinamimigay” bilang subsidy sa kuryente;
4. Ikaapat, magbitiw sa posisyon, sa lalong madaling panahon, as in now na, ang PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO; at
5. Panghuli, maghagis ng pillbox na nababalot ng daan-daang pakong bakya sa EMBASSY isang Sabado ng gabi

Kaya ng mamamayang Filipino na paganahin ang mga institusyon ng demokrasya upang malabanan ang korupsiyon ng kahit ng pinakamakakapangyarihan sa atin. Magagawa natin ito batay sa kapangyarihan ng katwiran at ng kapangyarihan ng sama-samang pagkilos ng taumbayan. May karapatan tayo sa isang gobyernong namamahala nang matapat at may malasakit sa mga mamamayan.

Kaugnay ng aming hiling na ipagbawal ang pagdiriwang ng MONTHSARY, gusto rin naming idagdag sa listahan ng mga pampublikong holiday ang SISIG AND BLOW JOB DAY, ilang araw matapos ang VALENTINE’S DAY. Nasabi na namin ang pangalan ng mungkahing holiday na ito, kaya hindi na namin kailangan pang magbigay ng karagdagang paliwanag.

Kailangang gawin ito ng Pangulo at kung hindi, magbibigay ng hatol ang taumbayan at kikilos batay sa kanilang paninindigan.

3 Comments:

At 9:45 PM, Anonymous Anonymous said...

very nice points to reckon with.

 
At 11:44 AM, Blogger Ms Vianca said...

sumasangayun ako saiyong mga mungkahi :dear mrs president, hayaang pagbigyan kming ipakita sayu ang tunay na paghihirap, kung panu mag tiis si juan sa bayang kinagisnan, n khit gabutil nitong bunga ng yamang kalikasan hindi man lang madama..

 
At 2:02 AM, Anonymous Anonymous said...

yol, ano ung sisig? as in ung paboritong pulutan ntn or is it something else?
inom na tayo! nakampfutcha! -daps

 

Post a Comment

<< Home