Thursday, January 10, 2008

Fan Mail

Jinky,

Mahal ko si Manny. Kung babae lang ako, sa kanya ko ibibigay ang aking virginity. Magkikita kami sa lobby ng isang hotel, titingnan niya ako ng makalaglag panty niyang tingin, at magiging sa kanya na ako. Sasama ako sa kanyang kuwarto at doon niya marahas na aagawin sa akin ang pagkababae kong ilang taon ko ring iningatan. Tapos kinabukasan, o sa mga susunod na araw, linggo, buwan, taon, okey lang kung hindi niya ako tatawagan matapos ang ginawa naming pagniniig. Maglalagay ako ng mga picture namin sa friendster at facebook account ko, at gagawin kong wallpaper ang kanyang picture sa aking cellphone. Ipakikita ko ito sa kanya bilang tanda ng aking pagmamahal. Tapos maku-cornyhan siya, iibahin niya ang topic ng usapan, pero di ako masasaktan. Babasahin ko ang blog niya, tapos magku-comment ako ng "ang galing mo!" "idol kita!" "binago mo ang buhay ko" sa ilalim ng iba't ibang pangalan para maramdaman niyang marami siyang fans, at magaling talaga siyang writer di tulad ng sinasabi ng mga nakapanood ng anak ng kumander. Tuwing umaga padadalhan ko siya ng mga bear text messages, sa tanghali mga inday jokes, at sa gabi ipadadala ko sa kanya ang aking mga yakap at halik, ilalarawan ko sa kanya kung ano ang suot ko, at sasabihin ko sa kanyang iniisip kong ginagawa namin ang katulad ng mga sex scene ni Ara Mina sa pelikulang Code Name: Bomba, Sagad sa Init, Banatan, Phone Sex at Nag-aapoy na Laman. Hindi siya magre-reply, pero okey lang, okey lang dahil alam ko namang iniisip niya rin ako. Kung humingi siya sa akin ng advice tungkol sa bago niyang gelpren, hindi ako magagalit. Makikinig a1ko habang nakatingin sa kanyang mga mata. Hahawakan ko ang kanyang mga kamay, at ibibigay ko sa kanya ang isang payo na nagmula sa pinakamalalim na bahagi ng aking puso. Tapos magse-sex pa kami kung gusto niya. Kukunan niya ng video ang pagtatalik naming iyon, gamit ang kanyang selepono. Tapos may magnanakaw ng cellphone niya at ilalagay sa uploads.ph ang video namin bilang sex scandal. Pero ako lang ang maeeskandalo, dahil mukha ko lang naman ang makikita sa video. Pagkatapos nun sasabihin niya sa aking ayaw niya na akong makita, at mauunawaan ko kung bakit. Hindi ako masasaktan, hindi ako maghihinanakit. Ibinigay ko na sa kanya ang aking pu(so) at maaari niyang gawin dito ang anumang magustuhan niya. Ganoon ko kamahal si Manny.

Jack

4 Comments:

At 9:18 PM, Anonymous christian said...

ganun ba talaga ang pag-ibig, tang-ina parang ayaw ko nang umibig...

 
At 10:27 AM, Anonymous Anonymous said...

kaya pala. kaya pala hindi nagccall back si jack sa akin. may ibang m na sinasamba.

happy new hair, sir, nakalimutan ko kayong batiin ng ganiyan. haha.

-moreen

 
At 12:49 PM, Anonymous yol said...

christian: ako, iibig pa rin, kahit anong sabihin ng iba. pero hindi siguro sa ganitong paraan

moreen: ganun lang talaga ang buhok ko kapag nagsuklay ako

 
At 3:42 PM, Anonymous nan said...

hoy yol! nakita mo na naman yung mga pityur ni manny na namamaquiao ng tsiks di ba? ;p

 

Post a Comment

<< Home