Usapang Lasing
Pare, napanood mo ba yung pelikulang Sin City? Naaalala mo ba yung pedophile na binaril ni Bruce Willis sa titi? Di ba sa ending, babalik yung pedophile na yun. Tapos may bago na siyang titi at gusto niyang kantutin si Jessica Alba. Galit na galit si Bruce Willis nun di ba pare? Ang ginawa niya, hinugot niya yung bagong titi ng pedophile tapos sinuntok niya sa mukha yung pedophile. Sinuntok niya nang sinuntok yung mukha ng pedophile hanggang maging tubig na lang yung ulo nung pedophile. Tangina, solid to liquid pare!
Ganun yung suntok na gagawin ko kay Life pag nahuli ko siya. Si Life, yung aso ng kapitbahay namin. Bitch yun e. Hahahaha, yung asong si Life, bitch. Na-gets mo ba? Hahahahahahaha! Bitch ang asong si Life, pare. Hahahahahaha!
Ganito kasi yun. Ilang araw bago magPasko nung isang taon, na-stroke ang nanay ko. Tangina, heavygat yun pare. Umuwi ako galing ospital kasi yung tatay ko na ang magbabantay. Sabi ko, tangina dapat gumawa ako ng blog entry tungkol dito. Kasi naman, anong klaseng writer ka kung hindi ka man lang makagawa ng blog entry matapos makita ang nanay mo na nangingisay di ba?
Kaya binuksan ko yung laptop ko, pare. Tapos nagbukas ako ng isang bote ng Red Horse. Tapos pare pucha umulan! Ano pa bang ambience ang hahanapin mo di ba?
Bale nag-iisip na ako ng malufet na simula ano. Bigla ba namang nagsimulang tumahol yang putang-inang Life na yan. Si Life, pare. Yung aso ng kapitbahay namin. Bitch yun e. Hahahahaha! Tahol nang tahol, pare. Hindi ako makaisip. Di lumabas ako ng bahay tapos sabi ko tangina mong aso ka tumahimik ka! Hindi mo ba alam na writer ako? Puta pare ayaw tumigil sa katatahol. Sabi ko tangina kang aso ka babalahibuhan kita! Puta ayaw pa rin tumigil! Sabi ko tangina mong aso ka kikilawin kita!
Tapos sabi ng kapitbahay namin, tangina mo kung ayaw mong matulog magpakamatay ka na! E di natulog na lang ako.
Pero sabi ko pare, tanginang Life yan mahuli ko lang yan yari sa akin yan. Susuntukin ko ang putanginang asong yan gaya ng pagsuntok ni Bruce Willis dun sa pedophile sa pelikulang Sin City.
Paggising ko nakalimutan ko na lahat ng nangyari. Andami ko ring kailangang isipin e. Inisip ko kung kelan gagaling nanay ko, kung sang impiyerno ako kukuha ng pambayad sa ospital, mga ganung bagay. Day 2 pa lang sitenta mil na ang bill namin e. Solid yun pare.
Basta ganun yung putanginang asong yun. Sa tuwing magtatangka akong gumawa ng blog, tumatahol. Puta kahit nasa netopia ako naririnig ko ang tahol ng putanginang asong yun e. Hindi ko maalis sa isip ko. Tuwing hahabulin ko naman siya, hindi ko maabutan. Bad trip talaga pare.
Nitong nakaraang buwan naman, sabi sa akin ng chair namin sa department, Sorry Yol pero hindi ko na ire-renew ang kontrata mo. Sabi ko olrayt jobless na naman ako. Sabi ko olrayt marami pa naman akong utang. Sabi ko, yes, uhuh, uhuh, after five years matatanggal ako sa ateneo. Olrayt, uhuh uhuh. Di umuwi ako para maglasing.
Puta pagdating ko sa bahay namin, may tae ng aso sa harap ng pinto namin. Tae ng aso, pare. Sigurado akong tae ng aso yun kasi tatay ko lang naman ang nasa bahay. Lahat kami pumasok. Alangan namang yung tatay ko ang tumae sa harap ng bahay namin di ba.
Sabi ko puta yung matanggal ako sa department after five years kaya ko e. Pero yung matanggal ako after five years tapos may tae sa harap ng bahay namin? Ay, sobra na yun. Buti sana kung basta tae lang e. Bugris pare. Alam mo yung bugris? Yung mahabang paikot na tae tapos may sauce na liquid na tae. Yun ang bugris pare. Yung sauce na may dugo-dugo pa, halatang pinaghirapang itae nung tumae. Ganun yung tae sa harap ng bahay namin.
Sabi ko tanginang Life to. Pag nakita ko yang Life na yan gugulpihin ko talaga yan e. Susuntukin ko ang ulo ng putanginang asong yan katulad ng pagsuntok ni Bruce Willis dun sa pedophile sa pelikulang Sin City. Tang-ina pare susuntukin ko talaga sa mukha ang asong yun. Tapos tatadtarin ko ang laman ng putanginang asong yun. Hindeee hindeee pipilasin ko pala. Hindi ako gagamit ng butcher’s knife. Hahawakan ko yung katawan ng asong yun tapos pagpupunit-punitin ko ang karne niya. Puta kung ayaw mapunit gagamitin ko ang ngipin ko! Ipapaligo ko ang dugo ng putanginang asong yan. Tapos papakuluan ko ang karne niya hanggang lumambot nang todo. Limang oras, ganyan. Lalagyan ko ng peanut butter at tomato paste at liver spread at paminta at bell pepper. Basil leaves! Lalagyan ko ng basil leaves pare. Gagawin kong kaldereta. Oo, kaldereta. Tapos magsasaing ako ng kaning milagrosa. Magnanakaw ako ng pandan kina Aling Buding. Ilalagay ko sa kanin para bumango. Tapos pag luto na ang kanin, uulamin ko ang putanginang Life na yan. Oo, pare. Kakainin ko ang Life na yan. Bitch ka pala ha, hetong sa yo.
Pag nagawa ko yun pare, itetext kita. Inuman tayo. Masarap ang pulutan natin.
32 Comments:
Nag-iiwan ng comment, kahit hindi ko alam kung anong sasabihin.
Mahirap palang maging teacher sa Ateneo...
nararamdaman ko rin yan, Yol. ang sarap katayin ni Life....putang inang bitch!
isang napakalaking kawalan sa fil dept nyan, putangina
isang tagay para kay Life
malaking loss sa fil dept. yan, pare. tangina nman oh.
that's life pare
um,pwede mo ba akong itext,gusto kong i-try makipaginuman sayo.
nagkaroon ka ulit ng matinong entry.astg.
kung bitch si life, wala siyang tite o bayag na pwede mong hugutin.
may rabis si life.
Putangina naman, konti nlang ang matitinong sabog sa ateneo mawawala ka pa Sir??
WAAHHH...
Balak ko pa namang asar-asarin ka in the future, you know like kasi you're like a Fil Prof? Tas aasarin ka ng Block O sa tuwing makikita ka namin.
AAAWWW akala ko ba matalino ang mga 'Tenista? Bakt ka tatanggalin?
putanginang tanggalan yan.. hindi ko talaga magets yan.. 5 years tapos ganun lang..
waw naman brad!
tara barik!
sir! mali toh, hindi ka nila dapat i- tc alwayz! injustice!
sir yol, bakit ka aalis? pero alam ko namang my gnagawa k pang mga horoscope kaya ok lng yan.. gusto mo itry magmath dept? enjoy dun, walang tanggalan! puro dagdagan..
bat di nila irerenew kontrata mo, sir? takte 'yun ah.
Hindi na magkakaroon ng stand-up comedy sa Filipino classes :(
akala ko ligtas ang ateneo sa ganitong mga kagaguhan. akala ko sa ateneo mas malawak ang isip ng mga tao, lalo na't dumanas na ng ilang taong pag-aaral ng MA at PhD. nung naging bahagi ako ng burukrasya, dun ko nakita na sa maraming bagay, hindi naiiba ang ateneo.
mas malawak ang mundo sa ateneo, yol. kapag nasa loob ka kasi, akala mo yung buhay e yung nasa burol lang ng ateneo. nakakatawa pero pagbaba mo ng burol, talagang mas malawak ang mundo.
goodluck! hinihintay ka na ng mundong mas malawak at mga taong mas babad sa kung ano ang makatarungan at mas malawak ang pag-iisip. baka pagbaba mo, maging matalik mo pang kaibigan si Life :)
wow, solid yun pareng anonymous a. salamat. ilang linggo ko na ring pinag-iisipan kung handa na ba akong umalis sa burol na ito, kung dapat ba akong umalis. naaapektuhan na nga ang iba ko pang mga gawain. sana dumating na ang sagot.
i've just read this today. i've experienced the same. they wanted me to pass a student who got an F (the reason is that she is the daughter of a "big" alumnus). i said "no" and my contract was not renewed.
yun lang
sobrang laking kawalan talaga ito sa fil dept.
Sir paano na yung dream niyo na maging student si Rica Peralejo?
kung kami talaga, magkikita pa rin naman kami in the future
..di ko pa kayo nagiging teacher, tapos wala na?? soobrang gusto ko pa naman kayong makasama sa klase! maksci palang, sikat na sikat na kayo. sayang naman.. :(
I've heard from Mark that you're getting fired from Ateneo. Flaunt your Palanca award and go to La Salle. Walang pera sa Peyups e. IS Manila is looking for a part-time Filipino teacher. Kaso nga lang it takes them forever to get back to you on email plus it's part-time.
joseph you are alive! wala pa akong palanca, tsismis lang yun. by june our dept will have a new chair, plus i'll be an MA candidate. apply ako uli. mahal ko ang admu e. thanks for dropping by
Talaga nga naman! Ako nga love ko din ang Peyups, pero nasa Hawaii ako. There's a whole world out there. If ADMU accepts your reapplication, go with them. It's nice to have something tangible. In contrast, I'm really worried because if can't afford to go to grad school, I'm going back to the Philippines this year most probably unemployed. Shit! :(
yol! tara! inuman tayo! putik! sasamahan kitang katayin yang Life na yan!
Hindi maaring mawala si Yol Jamendang sa Ateneo!
Nangungumusta lang.
That's life nga eh no.
Yol, I wrote an entry about you in my blog. I do not know if it has a sense, but it is something that I wrote directly on the computer. I read your entry, and I like it very much. You wrote once that "[m]apalad ang mga lalakeng aso." Maybe, Life is not a male. "Malas lang niya kapag nahuli mo siya." I hope to see you again. Mrs Maderal arrived last June 5, and we met last night. I think we should meet over a cup of coffee. Hahaha.
lab dis blag....yol....at oo...si Life kilala ko din yan...pinipigilan ko lang murahin yang asong si Life....naniniwala kasi ako sa kasabihang Be Kind to Animals....hayuuuuuuppp!!!
yol...malapit lapit lang yung picture na yan sa totoong ako....wehehehe....salamat sa pagbisita....ginawa din kitang kabit sa blog ko ok lang?
shet sir. dapat lang talaga iasusena na si Life.
Post a Comment
<< Home