Monday, January 21, 2008

Porno

Kahapon, pag-uwi ko sa bahay, nakita ko si Claire Bennet, nakaupo sa sala namin. "Ikaw si Claire Bennet", sabi ko. Ibinaba niya ang binabasang magasin. "Alam ko", sabi niya. Tapos itinuloy niya ang pagbabasa.

Umupo ako sa tapat niya. Idinekuwatro niya ang kanyang paa. Nalantad ang legs niyang itinatago kanina ng maikli niyang cheerleading costume. Hindi naman nakabukas ang electric fan pero hinahangin hangin ang kulay mais niyang buhok. Napansin niya ang pagtingin ko. Ngumiti siya, at ibinaba ang binabasang magasin.

"Alam mo, virgin ako", sabi niya. "Kahit araw-araw akong mangabayo at magbisekleta, kahit ilang beses akong mapabisaklat sa pakalat-kalat na bote ng ketchup, mananatili akong virgin".

"Ganun ba. Kung gayon, ididivirginize kita nang paulit-ulit ngayon, bitch!" sabi ko.

Hinablot ko ang kanyang cheerleading costume. Velchro lang ang nagkakabit kabit sa mga tela kaya isang hila lang ay bilad na bilad na sa aking paningin ang kanyang star white at pangmayamang kutis. Mukhang hindi lang 7 days inalagaan ng Ponds ang balat na ito. Kumawala ang kanyang mga susong pinalusog ng araw-araw niyang pagtalon bilang bahagi ng training sa cheer leading. Kitang kita ko ang mamasa-masa niyang pagkababaeng napaliligiran ng manipis na kulay pulang buhok. "Sabi ko na nga ba, hindi ka tunay na blonde e!" sabi ko.

Tapos pinahiga ko siya sa sahig. Pinunit ko ang kanyang balat para makita ang kanyang muscular system. Sabi ko sa kanya, "May tatlong klase ng muscle, bitch: ang skeletal muscles, cardiac muscles at smooth muscles."

"Talaga? Oooooooh yeah! Ano ang skeletal muscles? Give it to me! Oh Yeah!" sabi niya.

"Nakakabit sa mga buto ang skeletal muscles. Kaya nga ganoon ang pangalan nila. Sila ang nagpapagalaw sa ating katawan sa pamamagitan ng contraction. Voluntary o sinasadya ang paggalaw na ito, pero minsan ay kusang nangyayari lalo na kapag may emergency situation. Reflex ang tawag sa mga hindi sinasadyang paggalaw, gaya ng pagpikit ng mata upang malabanan ang puwing" sabi ko sa kanya.

"Gusto mong ipaliwanag sa akin ang cardiac muscles di ba? Gusto mo di ba? Sige naaaa!" sabi niya sa akin.

"Involuntary naman ang pagkilos ng cardiac muscles, o ng mga masel sa puso. Ang mga masel na ito ang nagpapadaloy ng dugo sa iba't ibang bahagi ng katawan" paliwanag ko. Mukhang gustong gusto niya ang ginagawa ko.

"E ano naman ang smooth muscles?" sabi niya, tumitirik ang mata at gumigiling-giling.

"Naku, masalimuot ang smooth muscles na iyan. Mabuti pa ipakita ko na lang sila sa iyo. Heto ang iyong duodenum. May smooth muscles diyan. Dito rin sa iyong pancreas. Ang iris ng iyong mata? Smooth muscle. Ang iyong mga ugat, ang iyong pantog, ang iyong sinapupunan, smooth muscles lahat yan! Gusto mo pa?" sabi ko sa kanya. Medyo hinihingal na ako. Malakas ang resistensiya ng babaeng ito.

"Yes please! Don't stop! Oh yeah, oh yeah!" sabi niya, habang pinaiikot nang pinaiikot ang kanyang buhok.

"Nasa iyong cranial cavity naman ang iyong utak, isa sa dalawang bahagi ng iyong central nervous system. Ang iyong utak ay may procencephalon at brain stem. Nasa procencephalon ang diencephalon, kung saan matatagpuan ang epithalamus, thalamus, hypothalamus, subthalamus, pituitary gland, pineal gland, at third ventricle. Gets?" sabi ko sa kanya.

"Oh yes! Oh yes! Ayan na akoooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo
ooooooooooooooooooooooooooo!" Sabay naming narating ang rurok.

"Ang sarap nun a". Sabi niya, matapos mahabol ang kanyang hininga. "Ulitin natin."

"Sige," sabi ko. "Magsimula naman tayo sa endocrine system mo."

10 Comments:

At 1:34 PM, Blogger Mariano said...

Human anatomy at its finest. Nakaka-arouse. Tsk tsk.

 
At 4:06 PM, Anonymous Anonymous said...

aaah, nakakalaki nga! abot-rurok na talaga ang paghanga ko sa'yo

 
At 12:02 AM, Anonymous Anonymous said...

Ang bastos ng Blog na ito!!!

 
At 1:21 PM, Anonymous Anonymous said...

mariano: anong ginagawa mo diyan sa harap ng computer?
nan: enlarge your penis size now!
willie revillame: pag nahuli ka ni jack, yari ka

 
At 5:09 PM, Anonymous Anonymous said...

mahalay ang blog na ito... tsk! tsk!! gayunpaman, ako ay mananatiling nakaantabay sa kasunod na bahagi..hehehe

 
At 5:56 PM, Anonymous Anonymous said...

nabitin ako... *kagat-labi*

 
At 1:38 AM, Anonymous Anonymous said...

Galing!!! idol!!!

 
At 11:34 AM, Blogger Ruth Tubon - Spence said...

Isa itong mainit na blog : )

 
At 2:39 PM, Anonymous Anonymous said...

bio major ka ba sir yol? hahaha

 
At 12:33 PM, Anonymous Anonymous said...

galing. educational din. hehe.

 

Post a Comment

<< Home