Friday, February 22, 2008

Akosiyol Tonite
Volume 4 (Collect them all!)
I write to express, not to impress

Yol Jamendang, nag-update ng blog dahil sa peer pressure!


Quezon City -- "Kung hindi siya maga-update, hindi na namin siya friend!" Ito di umano ang naging pahayag ng mga kaibigan ni Yol Jamendang, blogger extraordinaire, Huwebes nang gabi dito. "Dahil matagal siyang hindi nag-update, kuryente siya sa buong Pebrero," dagdag pa ng kanyang mga kaibigan. Kuryente ang tawag ng mga kaibigan ni Yol sa isang taong hindi puwedeng isali sa moro-moro, kausapin tungkol sa Naruto o hatian ng peanut butter sandwich. Hindi rin tinatawanan ang anumang joke ng isang kuryente. Kakausapin lang siya kapag kailangang kailangan talaga. Kung siya naman ang makikipag-usap, hindi dapat lumampas sa dalawang syllable ang tugon. Ito ang pinakamatinding parusang ipinapataw ng Super Mega Friends Forever sa kanilang mga miyembro.

Nang kapanayamin ng AT si Yol, ipinaliwanag niyang marami siyang pinagkakaabalahan kaya hindi siya makapag-update. "Maraming mas importante kaysa pagba-blog sa buhay ko ngayon," sabi niya. "Nariyan ang panonood ng mga bagong episode ng Naruto at American Idol. Yung character ko sa Defense of the Ancients application sa Facebook, kailangan nang mag-level up. Yung alaga kong pusa, nami-miss na ako. Tsaka hindi naman ako yayaman sa pagba-blog na yan e," dagdag pa niya. Ipinaliwanag rin ni Yol na marami namang ibang website na puwedeng puntahan ang mga nagbabasa ng blog niya. "Gawan niyo ng testimonial ang mga friendster niyo. Edit niyo yung details kung paano niyo nakilala ang facebook friends niyo. O kaya mag-update kayo ng sarili niyong mga blog, livejournal at multiply! Shet!"

Sa kabila ng mga pahayag na ito, hindi pa rin binawi ng Super Mega Friends Forever ang kuryente status ni Yol. "Walang Yol Jamendang kung wala ang Super Mega Friends Forever. Hindi ba may kasabihan ngang tell me who your friends are and I will tell you who you are. Kaya pag may nagtanong sa kanya ng hu u? wala siyang maisasagot kung wala kami." sabi ng Super Mega Friends Forever Supreme Chancellor, na hindi nagpabanggit ng pangalan.

Nang sabihin ng AT kay Yol ang mga pahayag na ito ng Super Mega Friends Forever Supreme Chancellor, natulala siya. Lumapit siya sa bintana at tumingin sa malayo. Tapos kinanta niya ang official theme song ng Super Mega Friends Forever: "I am your brother/your best friend forever/singing this song, the music that you la-ha-hayk/We’re brothers till the end of time, together or not you’re always in my heart/Your hurting feelings in you will reign no more..."

Pagkatapos, umupo siya sa harap ng kanyang laptop at nagsimulang gumawa ng update.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home