Thursday, June 12, 2008

2.
Dahil tinaya ako ni Margie

1. This game starts with 6 weird things about you.
2. People who got tagged need to write a blog entry of their own 6 weird things.
3. They should state this rule clearly as well.
4. At the end of the list, tag 6 people.
5. Don't forget to inform each newly-tagged person by posting a comment on his own blog.

Tayo na at maglaro tayo (maglaru-laro tayo) o anim na bagay na weird kay Yol

1. Pare, puwede ba kitang tanungin. Kasi hindi ko alam kung ako lang ang ganito e. Ewan ko ba. Pag ano kasi, may nakikita akong isang klase ng mukha, nababad trip ako. Yung mukhang hindi mo naman kilala yung tao, hindi ka naman niya inaano, pero gusto mong suntukin ang mukha niya. Naiintindihan mo ba? Hindi mo alam kung saan nanggagaling ang galit mo, pero pag nakita mo na ang mukha niyang yun, parang gusto mo talaga siyang suntukin. Yung parang ganito ba:

T.I.M.Y.A.P.(Tang Inang Mukha Yan Ang Panget)

Nage-gets mo ba ako pare? Heto pa ang isang halimbawa:
METRO GWAPO

Ewan, basta. Ganun ako. Pag nakakakita ako ng mga ganyang klase ng mukha gusto kong manuntok.

2. Alam mo, ang konti ng buhok ko sa kilikili. Magkakahiwalay pa kaya halatang halatang kaunti.

3. Isang araw napanaginip ko kung paano ako mamamatay. Tatawid ako sa kalsada habang humihigop ng taho. Tapos mabubunggo ako ng Golden Boy Taxi.

Pagbagsak ko sa aspalto, sasabihin ng lahat ng nakakakilala sa akin: Namatay si Yol dahil nabunggo siya ng Golden Boy taxi habang tumatawid sa kalsada at humihigop ng taho. Sa burol ko magsasama-sama sila at sasabihin nila sa isa't isa: Namatay si Yol dahil nabunggo siya ng Golden Boy taxi habang tumatawid sa kalsada at humihigop ng taho. At maiisip nilang lahat, sa pinakatahimik na oras ng kanilang mga gabi, a) kung hihigop ng taho, huwag munang tumawid sa kalsada b) kung tatawid ng kalsada, huwag munang humigop ng taho at c) hangga't maaari, iwasan ang Golden Boy taxi.

At dahil sa realisasyong ito, magiging mas ligtas sila. Hindi sila tatawid sa kalsada habang humihigop ng taho. Hindi sila hihigop ng taho habang tumatawid sa kalsada. At hangga't maaari, iiwasan nila ang Golden Boy taxi. Mabuhay, mabuhay si Yol, sasabihin nila. At mananatili sa kanilang alaala si Yol, na hanggang sa kamatayan ay nagpaparating sa kanila ng mahahalagang aral na magbibigay sa kanila at sa kanilang mga mahal sa buhay ng kaligtasan.

4. Minsan, bilang ganti sa isang langgam na kumagat sa akin, kinagat ko rin siya. Akala ko matamis.

5. Natutuwa ako na ang 4G antioxidant ay nagtataglay ng garlic, ginseng, grapeseed extract at ginkgo biloba. Kaya pala tinawag itong 4G.

Natutuwa ako na ang "ginkgo" ay isang salitang Hapon na mula sa salitang Tsino na "yinhsing," na ang ibig sabihin ay silver apricot. Ginkgo Biloba ang specie na natuklasan ni Carolus Linnaeus noong 1771. Nakuha ko ang impormasyong ito sa All About Ginkgo Biloba ni Tracy Smith. Hindi magaling na manunulat si Tracy Smith, pero hindi niya yun alam. Sulat siya nang sulat ng mga libro, dahil ang alam niya, magaling siyang manunulat. Ikaw, magaling ka bang manunulat?

Natutuwa ako na ang falcon waterfree urinal system ay nakatitipid ng 150,000 litro ng malinis na tubig kada taon. Maganda yun, naisip ko, kasi hindi ba, we must conserve water...before it runs out. Natutuwa ako na men are more prone to dandruff. Dahil diyan puwede akong gumamit ng Clear for Men hangga't gusto ko. Karapatan ko yun. I am more prone to dandruff. Natutuwa ako na ang metathione ay isang antioxidant na may magandang side effect: nagpapaputi ito ng balat. Have you Met? Are you glad you've Met?

6. Meron akong isang ninja-pusa. Si Boomboom, yung kapatid ni Jaja, ang pusang hinampas ng tatay ko ng dos por dos.

Kung sa tingin mo astig na yang pusa mo, wala, tae yang pusa mo kapag itinabi sa ninja-pusa ko.
a. Minsan, nakipaglaban siya ng titigan sa isang estatwa. Hanggang ngayon, hindi pa siya natatalo.
b. Si Boomboom, si Boomboom ang dahilan kung bakit nagtatago si Waldo.
c. Gamot sa cancer ang luha ng ninja-pusa ko. Sayang, hindi pa siya umiiyak.
d. Nagbilang hanggang infinity ang pusa ko. Dalawang beses.
e. Kapag nagjajakol ang ninja-pusa ko, picture niya ang tinitingnan niya.
f. Hindi natutulog ang ninja-pusa ko. Naghihintay lang yun.
g. Iniinom mo ang ihi ng ninja-pusa ko. Hindi yan red bull tsong.
h. Ang hidden talent ng ninja-pusa ko ay invisibility.

Hindi, hindi totoo yan. Joke lang yan. Kinuha ko lang yan sa isang Chuck Norris Jokes website. Ang totoo, namatay na ang ninja-pusa ko. Isang araw, pagsalok ko sa drum namin para kumuha ng tubig na pang-toothbrush, nandun siya, lumulutang. Sayang, ninja-pusa pa naman.


Yun. Anim na kawirduhan ni Yol. Hindi ako mananaya. Astig ako e. Wapaaaaak!

5 Comments:

At 7:16 PM, Blogger mikael said...

ahahaha putanginang entry 'yan. apir!

 
At 8:38 PM, OpenID iggyzzz said...

tangina talaga yang tim yap na yan e.

 
At 10:51 PM, Anonymous Lei said...

hahhahahahahha! Timyap! naloka ako dun. :)

 
At 12:40 PM, Anonymous Anonymous said...

astig ka nga sir. :D

 
At 9:49 AM, Blogger blorangedoctor said...

oh no, bwahhhahaha. un lang. ang kulet, hayuuuup.

 

Post a Comment

<< Home