Thursday, August 07, 2008

The Akosiyol Reader's Survey 2008

Mabuhay! Kami po dito sa Akosiyol ay naniniwalang Time is Gold. Para sa amin, pagnanakaw ang aming ginagawa kapag pumunta kayo dito at nasayang lang ang inyong oras. Ginagawa namin ang aming makakaya upang maging mas kapaki-pakinabang at mas nakaaaliw ang inyong bawat pagbisita sa amin.

Kaugnay nito, pinasisimulan namin ngayong taon ang Akosiyol Reader's Survey. Inaanyayahan po namin kayong maglaan ng ilang minuto upang sagutin ang mga sumusunod na tanong. Pag-aaralan namin ang inyong mga sagot, at isasaisip sa tuwing gagawa kami ng bagong entries. Mangyari po lamang na i-copy paste ninyo sa Microsoft Word ang mga tanong at ilagay nang buong katapatan ang inyong mga sagot. Pagkatapos, huwag mag-atubiling ipadala sa baogka@yahoo.com para agad naming makuha ang inyong mga mungkahi at kumento. Muli, maraming salamat sa inyong panahon.

1. Ano ang paborito mong entry sa Akosiyol?

2. Babae ka ba? Kung hindi, maraming salamat. Maaari mo nang itigil ang pagsagot. Kung oo, pakisagot naman ang mga sumusunod pang tanong.

3. May boyfriend ka ba?

4. Mahal ka ba niyang talaga?

5. Hindi ka ba napapagod, o di kaya'y nagsasawa, sa inyong mga tampuhan, walang hanggang katapusan? Kung tunay kayong nagmamahalan, bakit hindi kayo magkasunduan wowowo, wowowowo?

6. Alam niya ba ang iyong tunay na halaga?

7. Gusto mo ba ng mag-iingat sa puso mo?

8. Sigurado ka bang siya ay irreplaceable?

9. Naniniwala ka bang hindi lang iisa ang soul mate ng tao? Na walang hanggang ang pag-ibig, kaya ibigay mo man ang lahat sa isang tao ay may matitira pa ring walang hanggang pag-ibig sa puso mo?

10. Pakilagay naman sa ibaba ang iyong contact number, at kung saan ka madalas tumambay.

Maraming salamat sa iyong panahon, at sa iyong patuloy na pagsuporta sa Akosiyol. Gusto naming bigyang diin na mananatiling confidential ang mga impormasyong ibinigay mo sa amin, kaya hangga't maaari ay maging matapat ka sana sa pagsagot.

"MAS MADALING MAHULI ANG MANOK KAPAG NAKATALI"

2 Comments:

At 11:39 PM, Anonymous isma said...

yol wag ka na umasa katawan mo lang habol nila ...haaayz

 
At 5:09 PM, Anonymous Anonymous said...

hay naku, yolando...if reading your blog means wasting our precious company's time, then I don't wanna be a model employee... The Hell with it! Haha...

-Marilyn-

 

Post a Comment

<< Home