Friday, September 12, 2008

Phone Sex

Sige, sige. Nasan ka? Nasa kuwarto ka? Sige nasa kuwarto rin ako. Nakahiga ako sa kama. Hindi, nakadapa pala. Tapos bigla kang papasok. Labas ka muna. Nasa labas ka na? Sige pasok ka na. Ambilis naman. Dahan-dahan ka lang lumakad. Yan, yan, ganyan. Tapos bigla akong mapapaharap. Narinig ko kasi yung hakbang mo e. Oo nga, dahan-dahan kang naglakad pero narinig ko pa rin yung hakbang mo. E di napalingon ako di ba. Ayan, nakaharap na ako sa yo. Siyempre mapapatigil ka kasi hindi mo inakalang haharap ako. Ay. Parang hindi naman nagulat yan e. Parang nanggugulat ka naman. Ayan, yan, yan. Siyempre nagulat rin ako. Tapos magkakatinginan tayo. Nakatingin ka na sa akin? Ako rin nakatingin na ako sa yo. Tapos ang libog ng tingin natin sa isa’t isa. Kunwari isa kang unggoy tapos gutom na gutom ka na tapos nakakita ka ng saging. Ako yung saging. Gutom na gutom ka na ha, tapos nakita mo ako, saging. Ganun yung tingin mo sa akin. Tapos gusto mo akong sakmalin. Kasi nga saging ako tapos unggoy ka na gutom na gutom di ba? Yan, grabe. Grabe ang galing mo. Sige hubarin mo na ang blouse mo. Buksan mo yung mga butones. Wag, wag. Sa baba ka magsimula para hindi ko agad makita ang bra mo. Yan. Tapos habang binubuksan mo ang mga butones nakatingin ako sa yo. Puta tumataas yung kumot o! Oo tumataas talaga yung kumot na nakatakip sa akin. Ang ganda mo kasi e. Yan, unti-unti ko nang nakikita ang bra mo. Anong kulay ng bra mo? Itim? Wow, bagay na bagay sa iyo ang itim na bra. Sige, ihagis mo ang blouse mo sa akin. Shet, tumama sa mukha ko. Oo, tumama sa mukha ko tapos tinanggal ko rin agad. Gusto kong makita kung anong susunod na mangyayari e. Ayan, ayan. Nakikita ko rin yung likod mo kasi may salamin sa likod mo e. Malaki, malaking salamin. Siguro mga six feet ang taas. Pero sa yo na ako nakatingin uli. Ibig kong sabihin sa harap mo, hindi na sa likod. Ano? A, tumalikod ka. E di likod mo naman ang nakikita ko kasi tumingin na ako sa yo di ba. Hindi na sa salamin. O sige kumembot ka. Wow, wow, wow. Wow sige kembot ka pa. Yan. Yeah. Ang galing mong kumembot. Ha? Bigla kang nawala? Bakit ka biglang nawala? Ano? A nasa sahig ka na. Nakatuwad ka? Teka lang babangon ako para makita kita. Hinde, ayoko tumingin sa salamin. Gusto kong makita ang puwet mo. Wow, wow, wow. Ang ganda ng puwet mo sobra. Gapang ka nga. Yan, sige, gumapang ka. Tapos lumingon ka sa akin. Tingnan mo ako. Yung tingin na parang persian cat na may hinahanap. Yan, yan ganyan. Ang ganda mo. Meow ka nga. Sige na, meow ka. Hinde, hinde. Hindi yan persian cat. Ibang mag-meow ang persian cat ano ka ba. O sige pusang gala na lang. Yan, yan. Sige pa meow ka pa uli habang nakatingin ka sa akin. Shet grabe na to. Ang gandang tingnan ng itim na panty sa yo grabe. Pano ko nalaman? Di ba nakahubad ka na? A, hindi mo pa nahuhubad ang pantalon mo. O sige. Sige, sige, titingnan kita habang naghuhubad ka ng pantalon. Oo naman. Sige wag ka nang tumuwad. Upo ka na sa carpet. Yan. Tapos hubarin mo na ang pantalon mo. Sige sige hubarin mo muna ang boots mo. A, nakastilleto ka. O sige tanggalin mo muna yan. Ang ganda ng paa mo, ang sarap sigurong halikan niyan. Ayan. Ayaaaan. Shet wala kang panty. Shet. A, hinubad mo lang kasabay ng pantalon. O sige. Wow, wow, wow. Woooooow. Ang ganda mong tingnan kapag bagong ahit. Hindi ka ahit? Sige na, kahit ngayon lang kunwari ahit ka. Ano? Persian cat ka kaya hindi ka ahit? Akala ko ba pusang gala ka? E di ba nga hindi ka na nakatuwad tapos naghuhubad ka na ng pantalon. May pusang gala bang nakapantalon? Oo nga, pero nahihirapan akong mag-imagine ng pusang nakapantalon. Ha? Okey naman yung kanina a. O sige. O sige hindi ka na unggoy kanina. Hindi na rin ako saging. Iba na lang. Ah, kunwari pusang gala ka na lang tapos isda ako. Ha? Di ba kumakain ka naman ng sushi? Hello? Hello? HELLO? WALA NAMANG GANYANAN. HOY! HELLO? PUTANG INA I HATE YOU! I HATE YOU! I HATE YOU! SHET!

30 Comments:

At 11:58 PM, Anonymous Anonymous said...

love na kita. puwede bang maging pussy...cat mo?

 
At 12:05 AM, Blogger cheLot said...

woooo!!! ang galeng.

hindi ko napigil na hindi magcomment maski hindi kita kilala. hahaha!

*clap clap clap*

napadpad ako rito mula sa blog ni annette. hello! :)

 
At 2:19 AM, Anonymous Anonymous said...

wahahaha... Isa na namang magaling na entry! Update ka palagi ha... Keept it coming! Mwah!

 
At 10:29 PM, Anonymous Anonymous said...

Sir, hindi ko kayo kilalang personal liban na sa mala-epikong pagpapahayag niyo nung nakaraang Ka-Pu. Mula noon hinanting ko na ang blog niyo para sa malulupit na insights sa buhay. Ituloy po ang pagbablog!

Codename: Blacksun
II - AB Political Science
Ateneo de Manila University

 
At 6:12 AM, Blogger yol said...

anon1: tara, date tayo
chelot: tc alwayz
anon2: medyo busy kaya di maka-update palagi
anon3: basahin mo muna ang readings mo sa pol sci ha


rakenrol

 
At 10:22 AM, Blogger cheLot said...

akosichelotbalotbalotba. kumusta? tc ka rin olweiz!

 
At 12:21 PM, Anonymous Anonymous said...

Magpapakalmot ka ba pag nag-date tayo?

 
At 4:25 PM, Blogger yol said...

kahit kumagat ka pa

 
At 5:53 PM, Anonymous Anonymous said...

pano kung di kita tigilan kagatin, ok lang?

 
At 9:01 AM, Blogger yol said...

ay, hindi lang pagkagat ang gugustuhin mong gawin, anon.

tama na ito. halika na.

 
At 4:24 PM, Blogger mikael said...

tangina ang kulit. lalaki kaya si anon, p're?

 
At 5:49 PM, Anonymous Anonymous said...

lalaki lang ba pwede mangulit? wala kang sense of humor, mikael.

 
At 6:23 PM, Blogger yol said...

meowrrrrrrrr

 
At 4:30 PM, Anonymous Anonymous said...

taglibog naman nyang ngiyaw na yan. hahanapin na kita nyan.

 
At 11:04 PM, Anonymous Anonymous said...

hilarious!
umangat ba yung kumot habang tina-type mo yon? har har har!
nagising asawa ko sa kakatawa ko!

 
At 11:46 PM, Anonymous seth said...

panalo!

 
At 8:22 PM, Anonymous leroy said...

haha.

xD

 
At 9:13 AM, Anonymous brandz said...

maaari pa bang sumali sa katuwaang ito?

 
At 7:27 PM, Anonymous Anonymous said...

gusto ko ding sumali. uunahan ko na yung gustong kumalmot sa yo.

 
At 2:21 PM, Blogger yol said...

nasaan na ba kayong mga gustong kumalmot sa akin? naiinip na ako dito sa kuwarto ko

 
At 1:56 PM, Anonymous Anonymous said...

gusto mo ba ng ahit?

 
At 3:48 PM, Blogger yol said...

kahit hindi

 
At 10:46 PM, Anonymous Anonymous said...

i think i found my soulmate...

 
At 9:50 PM, Anonymous mrs. chan said...

sir, puntahan kita sa classroom mo. bibigyan kita ng isang malupit na kalmot.

 
At 12:11 PM, Anonymous Anonymous said...

hinde, ang tanong ko kung gusto mong magpa-ahit.

 
At 2:31 PM, Anonymous yol said...

ay, nakapag-ahit na ako e

 
At 1:04 PM, Anonymous irae said...

Master Yol! Ano ba yan?! Sa Birthday ka pa nagblog ng ganito! :P Ang weird.. sex ba talaga yun?! :P

 
At 1:44 AM, Anonymous Anonymous said...

iba pa rin talaga kapag tuwing madaling-araw ako nagbabasa ng mga sulat nyo bossing.

napakahusay ng pagkakakwento, para lang akong nakikinig ng dula sa radyo.

-tannix

 
At 2:04 PM, Anonymous dedpish said...

napanood ko vid mo sa phone sex. haha! :D asteeg! :)
xD

 
At 10:31 PM, Anonymous zee said...

Man, you're good. \m/
site bookmarked.

 

Post a Comment

<< Home