Thursday, January 29, 2009

E putang ina ka pala e

Naaasar ako sa mga taong mahilig magmura, hindi naman nadadala. Nagmumura dahil akala niya cool siya. Yun bang nananahimik ka sa pocket garden tapos may darating at sasabihin sa kasama niya: "Tangina, ang ganda ng Twilight! As in, tangina!". Tangina.

Napakaespesyal ng putangina, hindi dapat binibigkas nang basta basta. Kapag sasabihin mong puta ang ina ng isang tao, dapat espesyal ang okasyon. Meron namang ibang lesser na mura na puwede mong gamitin kapag pangkaraniwan lang ang konteksto, gaya ng shet, gagu o kaya ulol. O kaya fuck you. So kapag gusto nating magkumento tungkol sa Twilight, huwag na sana tayong mandamay ng nanay. Puwede na ang "Gagu, ang ganda ng Twilight! Gagu, as in!" o kaya "Shet, ang ganda ng Twilight. As in, shet!".

Ganito gumamit ng putangina ang tiya ko: "Mga putangina niyong mga hayup kayo, pinapalamon ko kayo tapos maghugas lang ng plato hindi niyo pa magawa! Kung ayaw niyong hugasan, itapon niyo na ang mga putanginang platong yan!" Yan, ganyan magmura. Ang astig kaya nun, nanay ka tapos sinasabihan mo ang mga anak mo ng putang ina niyo!

Kung gagawin mo nang mahusay, puwede mong baguhin ang buhay ng isang tao gamit ang putangina. Yung tatay ko halimbawa (sumalangit nawa), ganito ang sinabi sa akin nung grumadweyt ako sa kinder: "Putang ina mo, bakit Most Polite ka lang, ha? Ha?" Ayun, pagdating ko sa Grade One, first honor na ako.

Puwede mo ring gamitin ang putangina para mailigtas ang sarili mo sa mga walang kuwentang usapan. Pagkatapos na pagkatapos ng unang sentence ng isang taong hindi mo naman gustong kausapin, sabihin mo agad: "E putangina ka pala e." Pangako, hindi ka na kakausapin nun uli. Ganito rin ang ginagawa ng mga kapitbahay namin kapag dumadating ang bumbay para maningil. Mag-iinuman muna sila tapos kapag dumating ang bumbay at nagsalita, sasabihin nila: "E putangina mo pala e!". Mahalagang factor yung nakainom na sila kapag sinasabi nila yun, kasi alam naman nating lahat na hindi dapat pinapatulan ang isang lasing na nagmumura.

Timing, mahalaga ang timing kapag binibigkas ang putangina. Noong isang linggo, dito sa lugar namin, binato ni Joseph ng basong pantagay si Pututo. Nasapul sa mata si Pututo, at ang huli kong balita ay bulag na raw ang isang mata. Ganito ang nangyari. Bale nag-aaway sila tungkol sa kung kaninong pamilya ang pinaka-astig. Napikon si Joseph. Binato niya ng basong pantagay sa mukha si Pututo. Tapos sabi niya, "Putangina mo, hindi ko gusto ang tabas ng dila mo a!". Pansinin na kapag sinabi ni Joseph ang "Putangina mo, hindi ko gusto ang tabas ng dila mo a!" bago niya inihagis ang baso, naramdaman sana agad ni Pututo na pikon na siya, at baka nakailag pa sa hinagis na baso. Pero dahil ginawa ni Joseph ang pagmumura pagkatapos ihagis ang baso, hindi nakapaghanda si Pututo. At hindi na siya nakasagot sa mura ni Joseph dahil abala na siya sa paghawak sa kanyang mata. Literally adding insult to injury, kumbaga.

Hindi dapat ginagamit na pambungad sa usapan ang putangina, gaya ng ginawa nung pa-cool na Twilight fan sa pocket garden. Masyadong papansin ang nagiging dating. Mas maganda kung may mauuna munang pahayag bago mo bitiwan ang mura. Halimbawa:

X: Kuya, buntis ako.
Y: Ay, putangina.

X: Pare, hindi na kami.
Y: Putangina mehn! Inom tayo! O kaya
Y: E putangina ka kasi e!

X: Tingnan mo tong suot kong panty ngayon.
Y: Putangina!

Y: Lalabasan na ako! Lalabasan na ako! Putangina, I love you! I love you!

17 Comments:

At 2:46 AM, Anonymous Anonymous said...

putangina - 1 definition - pilipino swear,combined in a word."ur mama is a hoe"in english.
Page 1 of 11312345»...Last » · School girls. Posted on January 2nd, 2009 by O. 1 Star 2 Stars 3 Stars 4 Stars 5 Stars (4 votes, average: 3.75 out of 5) ...
17 Dis 2008 ... Newspapers mishandled the high point of Senator Mar Roxas’ speech at the recent inter-faith rally against Charter change.
Bombing Batasan Pambansa? whew is'nt the security there supposed to be tight or something? Who did this? terrorists or anarchists? Putangina nila! ...
17 Dec 2008 ... so “Putangina!” is not the same as “SOB!” The Pilipino term refers to a certain type of mother while the English word refers to the male ...
a funny a clip from the indie movie Paupahan 2008. :)
putangina mo bahay ng... ... putangina mo. bahay ng loloko. Category: Not approved. Address: Binangonan st., 123123123. Permalink to this place ...

 
At 2:23 PM, Blogger Francis said...

hayyyyy nakakacomplete ka talaga ng araw mehn sa mga entries na ganito, putangina talaga, coooool

 
At 12:56 PM, Anonymous Anonymous said...

wahahaha syet sir yol, natawa ko nambonggz. ui kamusta na? hehe - anna banzuela

 
At 2:21 PM, Blogger ting ting said...

hindi ko nga gusto yung word na yun eh. Kaya never ko ginagamit. Parang ang sama naman ng dating ng ina ko nun diba? Gusto nyu ba magdrama ako? wag na....hahha! basta yun, NEVER USE THAT WORD na lang. bow.

 
At 7:10 PM, Anonymous yol said...

putangina, cool ako!

 
At 12:58 AM, Anonymous yol said...

yol, ikaw ba si yol?

 
At 7:50 AM, Blogger yol said...

anong kaguluhan ito?

 
At 1:49 AM, Anonymous yol said...

away o gulo?

 
At 6:47 AM, Anonymous Anonymous said...

hahahaha..putang inang entry yan! astig! kahit magmukha akong tangang kakatawa dito sa office..putang ina ba nila!

ok ka talaga yol! dami kong natutunan sa tamang paggamit ng "putang ina"... i'll keep them all in mind..hehehe..

namiss tuloy kita bigla...
haaay..putang inang yan oh! ^-^

 
At 6:48 AM, Anonymous earth said...

nga pala eartha to..tang ina nakalimutan ko tuloy ilagay pangalan sa sobrang katuwaan..hehe..

 
At 10:00 AM, Blogger yol said...

eartha! god loves you

 
At 3:29 PM, Anonymous earth said...

haha.. i know yol..i know...^^

 
At 8:45 PM, Blogger dedpish said...

gasp.

as in gasp.

putangina! haha! :D yay!

xD

 
At 1:35 AM, Blogger waps said...

putangina tinigasan ako dun sa huli a.

 
At 11:50 AM, Anonymous M said...

yung kaibigan ko, minura daw sila ng nanay nila ng putangina nyo, tapos napaisip bigla.

boomerang.

 
At 6:00 PM, Anonymous Anonymous said...

oo na. ginagamit ko ang "putangina" nang wala lang, at twilight fan din ako, pakshet. kahit #5 lang siya sa favorite swear words of all time ko.

pero mas malutong kasi sa'kin pakinggan ang DIPUTA. may history kami niyan. galing sa tatay ko iyan. saka BULI NI INA MO (translation: your mother's cunt). galing sa lola ko naman iyan.

comparatively, nababawasan ang coolness factor ng putangina. pero oo, dapat unahin ang shit, fuck, pakshet at lintikasan bago putangina.

- jo poblete (nakalimutan ko na password ko sa blog. di kasi mura)

 
At 12:15 PM, Blogger yol said...

wehehehe belat. basta, nalulungkot talaga ako na nababawasan na ang coolness ng putangina these days.

 

Post a Comment

<< Home