Wednesday, February 27, 2008

Usapang Lasing

Pare, napanood mo ba yung pelikulang Sin City? Naaalala mo ba yung pedophile na binaril ni Bruce Willis sa titi? Di ba sa ending, babalik yung pedophile na yun. Tapos may bago na siyang titi at gusto niyang kantutin si Jessica Alba. Galit na galit si Bruce Willis nun di ba pare? Ang ginawa niya, hinugot niya yung bagong titi ng pedophile tapos sinuntok niya sa mukha yung pedophile. Sinuntok niya nang sinuntok yung mukha ng pedophile hanggang maging tubig na lang yung ulo nung pedophile. Tangina, solid to liquid pare!

Ganun yung suntok na gagawin ko kay Life pag nahuli ko siya. Si Life, yung aso ng kapitbahay namin. Bitch yun e. Hahahaha, yung asong si Life, bitch. Na-gets mo ba? Hahahahahahaha! Bitch ang asong si Life, pare. Hahahahahaha!

Ganito kasi yun. Ilang araw bago magPasko nung isang taon, na-stroke ang nanay ko. Tangina, heavygat yun pare. Umuwi ako galing ospital kasi yung tatay ko na ang magbabantay. Sabi ko, tangina dapat gumawa ako ng blog entry tungkol dito. Kasi naman, anong klaseng writer ka kung hindi ka man lang makagawa ng blog entry matapos makita ang nanay mo na nangingisay di ba?
Kaya binuksan ko yung laptop ko, pare. Tapos nagbukas ako ng isang bote ng Red Horse. Tapos pare pucha umulan! Ano pa bang ambience ang hahanapin mo di ba?

Bale nag-iisip na ako ng malufet na simula ano. Bigla ba namang nagsimulang tumahol yang putang-inang Life na yan. Si Life, pare. Yung aso ng kapitbahay namin. Bitch yun e. Hahahahaha! Tahol nang tahol, pare. Hindi ako makaisip. Di lumabas ako ng bahay tapos sabi ko tangina mong aso ka tumahimik ka! Hindi mo ba alam na writer ako? Puta pare ayaw tumigil sa katatahol. Sabi ko tangina kang aso ka babalahibuhan kita! Puta ayaw pa rin tumigil! Sabi ko tangina mong aso ka kikilawin kita!

Tapos sabi ng kapitbahay namin, tangina mo kung ayaw mong matulog magpakamatay ka na! E di natulog na lang ako.

Pero sabi ko pare, tanginang Life yan mahuli ko lang yan yari sa akin yan. Susuntukin ko ang putanginang asong yan gaya ng pagsuntok ni Bruce Willis dun sa pedophile sa pelikulang Sin City.

Paggising ko nakalimutan ko na lahat ng nangyari. Andami ko ring kailangang isipin e. Inisip ko kung kelan gagaling nanay ko, kung sang impiyerno ako kukuha ng pambayad sa ospital, mga ganung bagay. Day 2 pa lang sitenta mil na ang bill namin e. Solid yun pare.

Basta ganun yung putanginang asong yun. Sa tuwing magtatangka akong gumawa ng blog, tumatahol. Puta kahit nasa netopia ako naririnig ko ang tahol ng putanginang asong yun e. Hindi ko maalis sa isip ko. Tuwing hahabulin ko naman siya, hindi ko maabutan. Bad trip talaga pare.

Nitong nakaraang buwan naman, sabi sa akin ng chair namin sa department, Sorry Yol pero hindi ko na ire-renew ang kontrata mo. Sabi ko olrayt jobless na naman ako. Sabi ko olrayt marami pa naman akong utang. Sabi ko, yes, uhuh, uhuh, after five years matatanggal ako sa ateneo. Olrayt, uhuh uhuh. Di umuwi ako para maglasing.

Puta pagdating ko sa bahay namin, may tae ng aso sa harap ng pinto namin. Tae ng aso, pare. Sigurado akong tae ng aso yun kasi tatay ko lang naman ang nasa bahay. Lahat kami pumasok. Alangan namang yung tatay ko ang tumae sa harap ng bahay namin di ba.

Sabi ko puta yung matanggal ako sa department after five years kaya ko e. Pero yung matanggal ako after five years tapos may tae sa harap ng bahay namin? Ay, sobra na yun. Buti sana kung basta tae lang e. Bugris pare. Alam mo yung bugris? Yung mahabang paikot na tae tapos may sauce na liquid na tae. Yun ang bugris pare. Yung sauce na may dugo-dugo pa, halatang pinaghirapang itae nung tumae. Ganun yung tae sa harap ng bahay namin.

Sabi ko tanginang Life to. Pag nakita ko yang Life na yan gugulpihin ko talaga yan e. Susuntukin ko ang ulo ng putanginang asong yan katulad ng pagsuntok ni Bruce Willis dun sa pedophile sa pelikulang Sin City. Tang-ina pare susuntukin ko talaga sa mukha ang asong yun. Tapos tatadtarin ko ang laman ng putanginang asong yun. Hindeee hindeee pipilasin ko pala. Hindi ako gagamit ng butcher’s knife. Hahawakan ko yung katawan ng asong yun tapos pagpupunit-punitin ko ang karne niya. Puta kung ayaw mapunit gagamitin ko ang ngipin ko! Ipapaligo ko ang dugo ng putanginang asong yan. Tapos papakuluan ko ang karne niya hanggang lumambot nang todo. Limang oras, ganyan. Lalagyan ko ng peanut butter at tomato paste at liver spread at paminta at bell pepper. Basil leaves! Lalagyan ko ng basil leaves pare. Gagawin kong kaldereta. Oo, kaldereta. Tapos magsasaing ako ng kaning milagrosa. Magnanakaw ako ng pandan kina Aling Buding. Ilalagay ko sa kanin para bumango. Tapos pag luto na ang kanin, uulamin ko ang putanginang Life na yan. Oo, pare. Kakainin ko ang Life na yan. Bitch ka pala ha, hetong sa yo.

Pag nagawa ko yun pare, itetext kita. Inuman tayo. Masarap ang pulutan natin.

Friday, February 22, 2008

Akosiyol Tonite
Volume 4 (Collect them all!)
I write to express, not to impress

Yol Jamendang, nag-update ng blog dahil sa peer pressure!


Quezon City -- "Kung hindi siya maga-update, hindi na namin siya friend!" Ito di umano ang naging pahayag ng mga kaibigan ni Yol Jamendang, blogger extraordinaire, Huwebes nang gabi dito. "Dahil matagal siyang hindi nag-update, kuryente siya sa buong Pebrero," dagdag pa ng kanyang mga kaibigan. Kuryente ang tawag ng mga kaibigan ni Yol sa isang taong hindi puwedeng isali sa moro-moro, kausapin tungkol sa Naruto o hatian ng peanut butter sandwich. Hindi rin tinatawanan ang anumang joke ng isang kuryente. Kakausapin lang siya kapag kailangang kailangan talaga. Kung siya naman ang makikipag-usap, hindi dapat lumampas sa dalawang syllable ang tugon. Ito ang pinakamatinding parusang ipinapataw ng Super Mega Friends Forever sa kanilang mga miyembro.

Nang kapanayamin ng AT si Yol, ipinaliwanag niyang marami siyang pinagkakaabalahan kaya hindi siya makapag-update. "Maraming mas importante kaysa pagba-blog sa buhay ko ngayon," sabi niya. "Nariyan ang panonood ng mga bagong episode ng Naruto at American Idol. Yung character ko sa Defense of the Ancients application sa Facebook, kailangan nang mag-level up. Yung alaga kong pusa, nami-miss na ako. Tsaka hindi naman ako yayaman sa pagba-blog na yan e," dagdag pa niya. Ipinaliwanag rin ni Yol na marami namang ibang website na puwedeng puntahan ang mga nagbabasa ng blog niya. "Gawan niyo ng testimonial ang mga friendster niyo. Edit niyo yung details kung paano niyo nakilala ang facebook friends niyo. O kaya mag-update kayo ng sarili niyong mga blog, livejournal at multiply! Shet!"

Sa kabila ng mga pahayag na ito, hindi pa rin binawi ng Super Mega Friends Forever ang kuryente status ni Yol. "Walang Yol Jamendang kung wala ang Super Mega Friends Forever. Hindi ba may kasabihan ngang tell me who your friends are and I will tell you who you are. Kaya pag may nagtanong sa kanya ng hu u? wala siyang maisasagot kung wala kami." sabi ng Super Mega Friends Forever Supreme Chancellor, na hindi nagpabanggit ng pangalan.

Nang sabihin ng AT kay Yol ang mga pahayag na ito ng Super Mega Friends Forever Supreme Chancellor, natulala siya. Lumapit siya sa bintana at tumingin sa malayo. Tapos kinanta niya ang official theme song ng Super Mega Friends Forever: "I am your brother/your best friend forever/singing this song, the music that you la-ha-hayk/We’re brothers till the end of time, together or not you’re always in my heart/Your hurting feelings in you will reign no more..."

Pagkatapos, umupo siya sa harap ng kanyang laptop at nagsimulang gumawa ng update.