Ako si Kuya Yol,
MATANG PENGUIN (TM)
Hi, Ako ang inyong Kuya Yol, at welcome sa isa na namang edisyon ng Kuya Yol: MATANG PENGUIN (TM).
Isang malungkot na katotohanang maraming kinabukasan at kasalukuyan na rin ang nawawasak dahil sa phenomenon na kung tawagin ay teenage cat pregnancy (TCP). Dahil diyan, isang malaking responsibilidad para sa karaniwang mga mamamayan ang gawin ang makakaya upang mapigilan ang mga teenage pusa sa maagang pagbubuntis, lalo na't panahon ngayon ng krisis pang-ekonomiya at laganap na kahirapan.
Ngayong araw, pag-aaralan natin ang isang epektibong sex education para sa mga nagdadalaga at nagbibinatang pusa.
Normal sa mga kabataang pusa ang makisalamuha at magsimula ng romantikong relasyon sa iba pang kabataang pusa. Bahagi ito ng proseso ng sosyalisasyon na mahalaga sa pagbubuo ng identidad.
Hindi dapat pinipigilan ang mga ganitong klase ng pakikisalamuha, dahil ang anumang pagbabawal ay mauuwi lamang sa masigasig na pakikipaglaban para sa inaakala nilang "tunay" at "wagas" na pag-ibig. Ang pinakamainam na pagharap sa ganitong pangyayari ay pabayaan na lamang silang magmukhang tanga at masaktan, matapos magbigay ng sapat na pagpapayo at pagpoproseso.
Subalit kapag malinaw na lumalampas na sa mga naitakdang limitasyon ang pakikipag-ugnayan, kailangan nang simulan ang isang klase ng sex education na ipaliliwanag maya-maya.
Hindi kinakailangan ng mamahaling equipment at masalimuot na teknolohiya para sa tinutukoy kong sex education. Sapat na ang isang water spray bottle katulad nito:
Ganito lamang ang kailangang gawin. Kapag dumating ang hinala na masyadong risky ang behavior ng iyong teenage cat, lumapit lamang sa kanilang hangout place, dala ang water spray bottle. Makatutulong kung maligamgam ang tubig na ilalagay sa iyong pang-spray.
Pagkatapos, simulan ang kanilang edukasyon hinggil sa pagiging mabuting teenager sa pamamagitan ng walang habas na pag-spray sa kanila.
Magsisimula silang magtakbuhan, pero normal lamang iyon. Masasaktan rin sila dahil sa ginawa mong invasion of privacy at pang-papasma, pero okey lang yun. Darating rin ang araw na mauunawaan nilang iniisip mo lamang ang kanilang kapakanan.
Ayan, maraming salamat sa inyong pakikibahagi sa isa na namang edisyon ng Kuya Yol: MATANG PENGUIN (TM). Samahan niyo kaming muli sa susunod na linggo. Ituturo ko sa inyo ang Ipis Abortion tungo sa pambansang kaunlaran. Hanggang sa muli, ito ang inyong Kuya Yol,
MATANG PENGUIN (TM)