Ako si Kuya Yol,
MATANG PENGUIN (TM)
Hi, Ako ang inyong Kuya Yol, at welcome sa isa na namang edisyon ng Kuya Yol: MATANG PENGUIN (TM).
Isang malungkot na katotohanang maraming kinabukasan at kasalukuyan na rin ang nawawasak dahil sa phenomenon na kung tawagin ay teenage cat pregnancy (TCP). Dahil diyan, isang malaking responsibilidad para sa karaniwang mga mamamayan ang gawin ang makakaya upang mapigilan ang mga teenage pusa sa maagang pagbubuntis, lalo na't panahon ngayon ng krisis pang-ekonomiya at laganap na kahirapan.
Ngayong araw, pag-aaralan natin ang isang epektibong sex education para sa mga nagdadalaga at nagbibinatang pusa.
Normal sa mga kabataang pusa ang makisalamuha at magsimula ng romantikong relasyon sa iba pang kabataang pusa. Bahagi ito ng proseso ng sosyalisasyon na mahalaga sa pagbubuo ng identidad.
Hindi dapat pinipigilan ang mga ganitong klase ng pakikisalamuha, dahil ang anumang pagbabawal ay mauuwi lamang sa masigasig na pakikipaglaban para sa inaakala nilang "tunay" at "wagas" na pag-ibig. Ang pinakamainam na pagharap sa ganitong pangyayari ay pabayaan na lamang silang magmukhang tanga at masaktan, matapos magbigay ng sapat na pagpapayo at pagpoproseso.
Subalit kapag malinaw na lumalampas na sa mga naitakdang limitasyon ang pakikipag-ugnayan, kailangan nang simulan ang isang klase ng sex education na ipaliliwanag maya-maya.
Hindi kinakailangan ng mamahaling equipment at masalimuot na teknolohiya para sa tinutukoy kong sex education. Sapat na ang isang water spray bottle katulad nito:
Ganito lamang ang kailangang gawin. Kapag dumating ang hinala na masyadong risky ang behavior ng iyong teenage cat, lumapit lamang sa kanilang hangout place, dala ang water spray bottle. Makatutulong kung maligamgam ang tubig na ilalagay sa iyong pang-spray.
Pagkatapos, simulan ang kanilang edukasyon hinggil sa pagiging mabuting teenager sa pamamagitan ng walang habas na pag-spray sa kanila.
Magsisimula silang magtakbuhan, pero normal lamang iyon. Masasaktan rin sila dahil sa ginawa mong invasion of privacy at pang-papasma, pero okey lang yun. Darating rin ang araw na mauunawaan nilang iniisip mo lamang ang kanilang kapakanan.
Ayan, maraming salamat sa inyong pakikibahagi sa isa na namang edisyon ng Kuya Yol: MATANG PENGUIN (TM). Samahan niyo kaming muli sa susunod na linggo. Ituturo ko sa inyo ang Ipis Abortion tungo sa pambansang kaunlaran. Hanggang sa muli, ito ang inyong Kuya Yol,
MATANG PENGUIN (TM)
8 Comments:
kung pusa ako, masasarapan akong mawisikan ng amo ko habang nakikipagsiping.
teka... parang may mali dun a...
pare nalulungkot ako at ang pangwisik ko ngayon
o yes naman. pusa galore! yay! :D
napaka-educational ng tinuro mo ngayon kuya yol. nasubukan ko ng wisikan ang aking mga pusa habang sila'y naglalandian, napigilan naman sila ngunit nauwi lamang iyon sa nakabibinging palahaw ng aking babaeng pusa, lalo na kapag madaling-araw. meron ka bang suhestiyon kung pano ang gagawin upang mapagilan ang aking babaeng pusa sa pagtatawag ng makakasiping?
sa isang banda, hindi ka ba nasiyahan sa pagsisiping ng mga pusa? isa iyong nakakaaliw na sandali para sa akin, lalo na kapag narinig na ang biglang pagsigaw ng iyong babaeng pusa. (sapul)
sayang, ngayon ko lang nabasa itong entry mo. manganganak na ang pusa ko sa april.
ay, kailangan ang madalas na pagmamatyag at pagiging listo upang mapigilan ang TCP. Kapag naririnig kong naglalandian sa bubong ang mga pusa, madaling araw man o hindi, agad ko silang binubuhusan ng tubig mula sa thermos para matutuhan nila ang responsableng pagiging teenager.
nakakaaliw ang sigaw ng babaeng pusa habang nakikipagtalik, pero mas gusto kong marinig ang sigaw ng babaeng tao.
buntis na ang pusa mo? congratulations. kapag dumating ang mga anak niya, maging maagap ka sana sa pagtuturo sa kanila tungkol sa TCP.
kadalasan sfx na lang naririnig ko sa labas namin, nambubulahaw. ngayon nakita ko na, ganto pala kung pano magtalik ang mga pusa. doggie style.
kung ano ano ng posisyon naiisip dahil sa sari saring ingay na ginagawa nila, ganto lang pala. salamat, pare at ginawan mo ng isang mini-documentary. naunawaan ko na.
nais ko palang itanong kung anong masasabi mo sa ari ng lalaking pusa?
hindi kami masyadong nakakapag-usap e. siguro itatanong ko kung anong favorite color niya
Post a Comment
<< Home