Domo harigato!
Ako si Haya Suzuki, dalawampung taong gulang. Estudyante ako ng Nanzan University. Noong Agosto, pumunta kami nina Yuta, Guro, Moe, Yumi, Megumi at Marino sa Pilipinas.
Tumira kami sa dormitoryo. Nag-aral kami sa Ateneo de Manila University. Nag-aral kami ng wikang Filipino. Bumisita kami sa maraming lugar.
Sina G. Jamendang, G. Coroza at G. Reyes ang naging guro namin sa conversational Filipino. Nakakatuwang guro si G. Jamendang. Kumain siya ng tanghalian kasama namin. Mataba si G. Coroza. Umawit kami sa klase niya. Mapayat si G. Reyes. Mabait siya.
Pumunta kami sa Smokey Mountain. Malungkot doon. Pumunta kami sa palengke. Kakaiba ang amoy doon. Pumunta kami sa Marikina. Nakita namin ang pinakamalaking sapatos. Nakita namin ang baranggay hall, city hall at Imelda Shoe Museum. Bumili ako ng sandals.
Napagod kami, pero masaya kami. Marami kaming natutuhan.
Bago kami bumalik sa Japan, sinabi ni G. Jamendang: "Kailan kayo babalik?". Sinabi ko: "Hindi ko alam. Pero susulat kami.". Sinabi niya: "Pangako?". Sumagot ako: "Pangako.".
Malungkot siya, pero ngumiti siya.