Friday, October 31, 2003

Wala dapat ang entry na ito dito e. Kaya lang nagpasya ang ulan na siya ang magbibigay ng karma ko para sa araw na ito, at ikinulong niya ako dito sa internet rental. Magaling siya, alam niyang kaunti lang ang dala kong pera at pag natapos na ang isang oras ay mapipilitan na akong lumabas at magpagahasa sa kanya. Naisip ko, nabasa ko na lahat ng bagong e-mail sa akin at tinatamad akong gumawa ng testimonial kaya gagawa na lang ako ng entry sa blog ko.

Ganito yung mga pangyayari na hindi mo makikita sa mga textbook tungkol sa mga bayani at iba pang kilalang tao. Malalaman ko kung kelan sila namatay, anong nagawa nila para sa bayan o kaya kung ano ang naimbento nila o kaya kung ilang libro sinulat nila pero hindi mo malalaman kung ilang beses silang nastranded dahil sa ulan. Hindi mo malalaman kung ilang beses silang hindi nakapasok dahil nasira tiyan nila o kaya ilang beses silang napahiya dahil mali ang sagot nila sa recitation. Sabagay hindi naman sila mahalaga.

Hindi mahalaga? Ako naaalala ko pa na nung grade3 ako pinitik ako ng goma sa bibig ng teacher ko. Sa harap ng crush ko. At pumapait ang panlasa ko pag nagbabalik yun. Napapamura ako kung naiisip ko kung ilang lakad na kasama sana ang mga kaibigang hindi ko na nakikita ang naunsiyami dahil sa ulan. Nung college nasira ang tiyan ko bago magfinals sa isang subject at hindi ako masyadong nakapagreview. Bumagsak ako. At sa tuwing ipapakita ko ang transcript ko sa bagong employer, nandoon yung F na yun, nangigitata. Dahil nasira ang tiyan ko.

Nabatukan kaya ng prayle si Rizal? Nagulpi kaya si Hitler ng mga bullyng Hudyo nung nagbibinata siya? Nabasted kaya si Erap nung bata siya dahil pandak siya o kaya natae siya sa klase? Hindi ko alam. At hindi ko na malalaman yun.

Hindi na ako puwedeng magtagal. Susugod na ko sa ulan.

Monday, October 20, 2003

Naiinis ako pag nala-last song syndrome ako sa isang kantang hindi ko kayang kantahin. Hindi ko masabayan ang pagalingawngaw sa isip ko, at nangangati ako, naiinis kasi hindi ako pinanganak na magaling kumanta. Ngayong linggo ang Insatiable naman ni Darren Hayes ang soundtrack ng mga panaginip ko.

Insatiable

Darren Hayes / Walter Afanasieff

When moonlight crawls along the street
Chasing away the summer heat
Footsteps outside somewhere below
The world revolves I let it go
We build our church above this street
We practice love between these sheets
The candy sweetness scent of you
It bathes my skin I'm stained by you
And all I have to do is hold you
There's a racing in my heart
I am barely touching you

Chorus

Turn the lights down low
Take it off
Let me show
My love for you
Insatiable
Turn me on
Never stop
Wanna taste every drop
My love for you
Insatiable

The moonlight plays upon your skin
A kiss that lingers takes me in
I fall asleep inside of you
There are no words
There's only truth
Breathe in Breathe out
There is no sound
We move together up and down
We levitate our bodies soar
Our feet don't even touch the floor
And nobody knows you like I do
The world doesn't understand
But I grow stronger in your hands

Chorus 2x

We never sleep we're always holdin' hands
Kissin' for hours talkin' makin' plans
I feel like a better man
Just being in the same room
We never sleep there's just so much to do
Too much to say
Can't close my eyes when I'm with you
Insatiable the way I'm loving you

(Chorus)






Monday, October 13, 2003

huuuuuuuuuuy ipadala niyo naman sa akin friendster accounts niyo o. baogka@yahoo.com e-mail add ko.

Thursday, October 09, 2003

Mga prends ito iyong revision nung tula. Tingin ko di pa siya tapos pero ganito ko muna siya iiwanan.

Wakas
Para din kay daps

Kalungkutan
ang hangganan
ng mga bagay
na inakala nating
walang katapusan.

Kailanma'y
hindi natin narinig
ang babala
ng paghihiwalay;
ang kanyang
mga pahiwatig
na isang patak lang
ang ating dagat,
iisang dangkal
ang ating langit.
Nilunod natin
ang kanyang tinig
sa ingay
ng mga damdaming
hindi natin pinangalanan,
sa mga luhang
itinago natin sa isa't isa.

Tapos na ang lahat.
Ang nagpapatuloy
na lamang
ay ang pagpatak
ng mga luha.


Monday, October 06, 2003

Mga prends paworkshop naman.

Isang Ehersisyo sa Pangungulila

Kalungkutan ang hangganan
ng mga bagay na inakala nating
walang katapusan. Hindi natin
kailanman narinig ang babala
ng paghihiwalay; ang kanyang
mga pahiwatig na isang patak lang
ang ating dagat, iisang dangkal
ang ating langit. Nilunod natin
ang kanyang tinig sa ingay
ng mga hindi natin pinangalanang
damdamin, sa mga luhang
itinago natin sa isa't isa.

Tapos na ang lahat.
Ang nagpapatuloy na lamang
ay ang pagpatak ng mga luha.