Wednesday, December 28, 2005

Sagittarius

12/25/05
Para makatipid sa load, batiin lang ang mga nagregalo sa iyo. Sa bagong taon na lang batiin ang ibang kakilala. (111 characters)

12/26/05
Hindi ka niya nalimutan. Naisip ka niya kahapon, pero naubos ang oras niya sa kaiisip kung ano ang itetext sa iyo. (114 characters)

12/27/05
Malalaman mong hindi ka masaya kung napapadalas ang pagtatanong mo sa iyong sarili: Masaya ba ako? (98 characters)

12/28/05
Walang kuwenta ang gawa kung walang katapat na salita. Walang kuwenta ang salita kung walang katapat na gawa. (111 characters)

12/29/05
They have to love you for what you are, for simply being you. Kung marami kang kailangang baguhin para lang mapansin nila, they don’t deserve you. (146 characters)

12/30/05
Sabihin mo na, kahit masakit. Mabuti na yung kaunting sakit ngayon kaysa sakit na mala-suntok ni Manny Pacquiao balang araw. (124 characters)

12/31/05
Remember: para may magsimula, kailangan munang may matapos. (Obvious ba?) (73 characters)

Pasok: music ala Mang Jose ng Parokya ni Edgar

tenunenenenenenenenneneneneg...
Sa tuwing sasapit ang morning
Naghahasik na ng lagim
Ang mga horoscope
nitong si Yolando
Load ng subscribers ay nasisilat
Ang nakakatakot
akala nila'y manghuhula
horoscope pala'y inimbento lang

Tulong! Tulong!
Saklolo!
Kailangan ko ng tulong mo!

Yolando, Yolando
Ang creative writer
na puwedeng arkilahin!
Yolando
Parang si Bob Ong daw ?! (siyet)
Ngunit pagkatapos ay bigla kang sisingilin!
Yolandumdumdumdumdum!

Thursday, December 15, 2005

Kailangan niyong i-memorize ito!

MUSIC: Sweeping dramatic music Fade in then fade under for:

Announcer: Habang nakatuon ang pansin ng sentro sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, pagtatapos ng Pinoy Big Brother, Pagsisimula ng Etheria, pag-impeach kay Gloria, anong nagaganap sa ibang bahagi ng bansa? Anong mga paglabag sa karapatang pantao ang dinaranas ng mga taong naipit sa armadong labanan ng militar at mga rebeldeng grupo? Ilan lang iyan sa mga tanong na sasagutin ng...

Pagtakas

SFX: Echo (Pagtakas...pagtakas...pagtakas...)

MUSIC: Tribal Music Fade in then under for:

Announcer: Isang dulang panradyong isinulat nina Jethro Tenorio at Yol Jamendang. Mapakikinggan mula December 19 hanggang December 23, alas sais hanggang alas-sais y medya ng gabi sa Radio Mindanao Network (558).

MUSIC: Tribal Music up and under for:

Next Commercial