Tuesday, March 09, 2004

Makiuso nga.

fox.
You are the fox.


Saint Exupery's 'The Little Prince' Quiz.
brought to you by Quizilla





You're The Dictionary!

by Merriam-Webster

You're one of those know-it-all types, with an amazing amount of
knowledge at your command. People really enjoy spending time with you in very short
spurts, but hanging out with you for a long time tends to bore them. When folks
really need an authority to refer to, however, you're the one they seek. You're an
exceptional speller and very well organized.



Take the Book Quiz
at the Blue Pyramid.



Ganun?



Ganun? uli.

Friday, March 05, 2004

Isang araw, sinamahan ko ang isang matalik na kaibigan na magrenew ng kanyang lisensiya sa Professional Regulations Commission.

Pagdating namin sa gate, sa ilalim ng isang karatulang nagsasabing Bawal Pumasok ang Walang Official Business ay isang guwardiyang nagsasabing, well, bawal pumasok ang walang official business. Tinanong niya ako kung bakit raw ako naroon at nang sabihin kong sinasamahan ko ang kaibigan ko, wala raw akong official business at dapat akong maghintay sa labas. Magdadahilan sana ako pero nang makita kong humigpit ang hawak niya sa kanyang batuta, sinabihan ko na lang ang aking kasama na maghihintay na lang ako sa labas (malakas para marinig ng guwardiya).

Nang magsawa ako sa kakapakinig sa pagsasabi ng guwardiya sa mga dumarating na bawal pumasok ang walang official business, nagpasya akong maglakad-lakad. Nilapitan ko ang isang bulletin board kung saan nakalista ang mga nakatakdang kumuha ng Nurse Licensure Examination (yun ba ang tawag dun?). Wala akong kapangalan. Wala ring Vlademier, Yavanna, Teresa Bettina, Jelson o Joichi. Ang pinakainteresanteng pangalan siguro ay Godfrey Harvey Dakot, pero ako lang siguro ang interesado sa pangalang iyon. Tiningnan ko rin kung may kamag-anak o kakilalang kukuha ng pagsusulit. Wala rin. Napansin ko lang ang isang Angela Diaz na may sulat ng bolpen sa tabi: Good luck sweetheart! I love you!.

Next stop ang bulletin board na puno ng mga larawan at malalaking letra. Notice to the Public, sabi ng bawat patalastas na nakadikit. Iwasan daw ang pakikipag-usap kina X, Y, at Z dahil sila ay mga estapador. Tiningnan ko ang kanilang mga larawan. Kamukha ni X ang Practical Arts teacher ko noong elementary. Si Y naman ay nagpaalala sa akin sa teacher na tinawag naming Dalmatian noong high school. At si Z, kamukha ng boyfriend ng isang crush kong bumasted sa akin dahil nga may boyfriend na siya. Ganoon pala ang hitsura ng mga estapador.

Puro tungkol kina X, Y at Z ang mga nakapaskil sa mga sumunod na bulletin board. May dagdag pang mga larawan kung saan nakasideview sila, nakaharap sa kanan o kaya sa kaliwa. Sa baba ng kanilang mga pangalan ay mga kuwento kung ano ang kanilang modus operandi, magkano ang nakuha nila sa kanilang biktima, kung paano sila nahuli. Mga letra at numero tungkol sa kanilang krimen, kasama ng kanilang mga mukhang tila humihingi ng awa at pang-unawa. Pero kamukha kasi nila yung mga nagnakaw ng saya sa aking kabataan e.

Lakad naman ako papunta sa mga tindahan sa harap ng PRC. Nakalatag sa mga lamesa ang iba't ibang reviewer para sa iba't ibang pagsusulit - "Nursing Terms Made Rediculously Simple", "The Right Way to Review for the SAT" at "Tips and Tricks for the Board Exam". May mga PC CD version rin ang mga ito, na kikilatisin ko pa sana nang may magtanong sa aking "Boss, bold VCD? Iskandalo ng Makati Boss?". May kopya na ako nun, kaya lumipat na lang ako sa pagawaan ng stamp "wyl u w8."

"W8 lng h", text ng kaibigan ko. Naisip kong gamitin ang oras sa pagpapagawa ng stamp na maari kong gamiting pantatak sa papel ng mga estudyante ko. Pinakita sa akin ng mama ang kanyang catalog - may bituing may nakasulat na VERY GOOD! sa baba, may mansanas na nagsasabing GOOD at LATE! sabi ng isang nakasimangot na ubas. Sabi ko sa mama signature above printed name na lang. Kinukuhanan niya ako ng specimen signature nang may lumapit at nagtanong, "Boss magkano magpapirma?" na sinagot naman ng mama ng "Kuwarenta pesos." Pagkatapos ay naglabas ang nagtanong ng isang dokumentong mukhang mahalaga, base sa papel at selyo nito. "Pakigaya ang pirmang ito," sabi pa ng mama, pagkatapos maglabas ng isang papeles. Walanghiya, forger din pala si manong. At magaling siya - tiningnan niya nang ilang minuto ang pirma, ginaya ito sa kanyang notebook nang ilang beses at voila! pirmado na ang dokumento.

Sinabihan ako ng mama na puwede akong maupo habang naghihintay pero hindi ko ginawa. Gusto kong makita kung paano niyang inililipat sa goma ang aking pirma. Pagkatapos nito, naisip ko, puwede nang paulit-ulitin ng kahit sino ang aking personal na tatak, gamit ang sitenta pesos na stamp na ginawa ng mama.

Malapit nang matapos ang stamp nang kalabitin ako ng aking kaibigan. Hawak niya ang kanyang PRC license, kung saan nakalagay ang kanyang larawan, pirma at ang selyo ng PRC na nagpapatunay na siya'y isang professional teacher.

Thursday, March 04, 2004

Oo nga pala may blog ako. Naalala ko kanina. Well, ako si Yol, at ito ang pinakamahabang araw sa buhay ko.

(clicking sound)
20
21
22
23
24

(sweeping instrumental music)
Ang mga sumusunod ay naganap sa pagitan ng alas-12 ng madaling araw at alas onse ng gabi noong araw ng transport strike:


Wala.