Saturday, April 18, 2009

Magtanong kay Yol

Dear Yol,

Musta pare. Sumulat ako sa Magtanong kay Yol, kasi well, may tanong ako. Ganito. Bakit ba ang ispeling ng ibang tao sa “iba’t ibang” ay “iba’t-ibang”? Di ba, yung “iba’t ibang”, pinaikling “iba at ibang” kaya naging “iba’t ibang”. Bakit nilalagyan ng dash ng mga tao? Ano yun? Naiintindihan ko kung bakit “cno” ang ispeling ng “sino” sa text, kung bakit “ung” ang “yung” at “d2 n q” ang “dito na ko,” pero pare, shet, bakit may dash ang ispeling ng “iba’t ibang”? Di ko magets e. Ganun din ang nangyayari sa “isa’t isa.” Puta, sumasakit ang ulo ko pag nakikita yang dash na yan e. Anong shit yun?

Alejandro


Dear Alejandro,

Tangina mo ang daming nagugutom sa mundo grammarian ka pa rin? Ano bang paki mo kung ganun ang trip nilang baybay? Ano ka, teacher ng Sining ng Pakikipagtalastasan?

Yol

17 Comments:

At 12:43 PM, Anonymous Anonymous said...

May tanong din ako:

Bakit nga ba ikaw na yata ang pinakamalupit na manunulat na nabasa ko pagkatapos ni Bob Ong (o kayo ba siya)?

- Plebotinum

 
At 3:51 PM, Blogger xxx said...

astig pare. kung natripan mo ang mga nakalagay dito, magugustuhan mo rin malamang ang Isang Napakalaking Kaastigan (libro) at dirtypopmachine.multiply.com ni Vlad Gonzales.

Ako ba si Bob Ong? Hindi ko alam, mehn.

 
At 9:03 PM, Anonymous Anonymous said...

Hindi ba si Bob Ong daw ay grupo ng mga tao na nagsama-sama upang gumawa ng likha na walang hihigit pa sa kahit sinuman at iyon nga nagawa nila? Sabi dun sa panel...whatevs...

Noong una feeling ko ang noobs ko nung ganyan pa ang ginagawa ko, nakakagago pla ng guro.whahaha, kaya binago ko. edi un. bago na.

 
At 3:45 AM, Anonymous Roberto, but call me Bobby D, yo! said...

Dear Alejandro,

I like your name, huh. A-leigh-john-dro. It's cool, yo!

Anyways, just wanted to say that there's no dash in iba't-ibang. Hyphen 'yun, pa-rey.

Peace out, yo!

 
At 3:44 PM, Anonymous Anonymous said...

Bob Ong??? 'Wag naman ikumpara. Mukha bang nibel ng mga sinusulat ni Yol ang ABNKKBSNPLAKo.

 
At 8:09 AM, Anonymous yol fan said...

to Bobby D:

tangina mo ang daming nagugutom sa mundo grammarian ka pa rin

 
At 11:54 AM, Anonymous Anonymous said...

Pinoy Katoliko: Iba't-ibang Paniniwala
Iba't-ibang Paniniwala. Mga Label: Article by Bro. Carlo Gimena, Responses. ni Bro. Carlo Gimena (isang tugon sa katanungan sa comment box) ...
pinoykatoliko.blogspot.com/2009/03/ibat-ibang-paniniwala.html

WikiAnswers - Anu ang iba't-ibang uri ng teksto
Agham question: Anu ang iba't-ibang uri ng teksto? Deskriptiv- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may kinalaman sa pisikal na ...
tl.wiki.answers.com/Q/Anu_ang_iba't-ibang_uri_ng_teksto

Kaurian:Palakasan sa iba't-ibang bansa - Wikipedia
Palakasan sa iba't-ibang bansa. Mga artikulong tungkol sa palakasa sa iba't-ibang bansa (katumbas ng en:Category:Sport by country sa Wikipediang Ingles) ...
tl.wikipedia.org/wiki/Kaurian:Palakasan_sa_iba't-ibang_bans

Office of the President - ``Iba`t-ibang bansa sa mundo ang ...
``Iba`t-ibang bansa sa mundo ang naliligalig ng tumatalong presyo ng bigas. Ang ating pagsisikap na tugon sa hamong ito ay nakatutok na gawin ang lahat ng ...
www.op.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=1392&Itemid=27

Ano ba ang pinagmulan ng iba't-ibang mga lahi?
Ano ba ang pinagmulan ng iba't-ibang mga lahi? Saan ba nagmula ang mga maitim, kayumanggi, at puting mga tao?
www.gotquestions.org/Tagalog/pinagmulan-lahi.html

 
At 10:42 PM, Blogger xxx said...

nice one, yol fan

 
At 7:24 PM, Anonymous isma said...

tang ina yol ayoko na magtxt sayo tungkol sa grammar!

 
At 11:08 PM, Anonymous Anonymous said...

hahaha.
yung iba't-ibang...
isa yan sa mga rason kung ba't mo ko binagsak sa unang writing exercise natin sa klase. :))

 
At 3:39 AM, Anonymous Anonymous said...

haha!

putang-ina!
nakakatawa, sobra!

idol pa rin kita!
hahanap ako ng libro na sinabi mo at iseseroks ko!
isa kasi ako sa mga nagugutom sa mundo..

^________^




- pilimon

 
At 11:38 PM, Anonymous Anonymous said...

Ang "iba't-ibang" (actually, pwede ding iba-iba) kaya may dash o hyphen (parang araw-araw gabi-gabi) dahil INUULIT NYA ANG SALITA. IBA ANG PAGGAMIT NITO NG "AT" SA KUNYARI :

1. SUMBRERO'T PANUTSA
2. MAITIM NA KILI-KILI'T PEKLAT SA PUWET
2. TAMOD SA MATA'T ABO SA PUSOD

get's mo na ba Yol? Kaya ang isa't-isa dapat my hyphen o dash.

Sana maaliwalas na ang ang ulo mo at lahat nalinawan na ang buong Ateneo't lahat ng mga tunay na lalaki!

Palanca? Sows! Hehehe



DIGS!? hehehehe

common sense lang naman eh. Maya't- maya lamang ay buburahin na ito. Di ga? hehehehe!

 
At 1:41 PM, Anonymous Anonymous said...

^mali ito

 
At 5:47 PM, Anonymous Anonymous said...

so ano ang tama?

wag mong sabihin tunay na lalaki ka kaya tama ha-ha-ha!

 
At 9:18 AM, Blogger Madame K said...

hahahaha...
sinagot ba naman ang tanong ng tanong.. hanep.. haha

 
At 12:47 PM, Anonymous Alejandro said...

Di mo naman sinagot tanong ko :( bakit nga ba?

 
At 12:50 PM, Anonymous Anonymous said...

... amp. ina.

 

Post a Comment

<< Home