Monday, December 01, 2003

The answer is YES! Yes FM!

1. I'll be there for you by the Moffats

Nananananananananananana
Nanananananananana I'll be there

OKay. So nagpoetry reading sa Our Lady of Mercy School last Friday, at nahila ko sina Mikael, Naya, Vlad at Mikael doon. Dalawang Mikael? Oo. Sa punto de bista ni Vlad: Mikael ko at Mikael Co.

I'll be there for you
(When you need somebody)
I'll be there for you
(When you want someone who cares)
I'll be there for you
(When you call me I'll be there)

Nananananananananananana
Nananananananana

2. When you say nothing at all Ronan Keating Version

Wala na ang dalawang anak ng kapitbahay namin. Wala na, kasi kinuha na ng Koreanong "nakilala" nila sa internet. Ang naroon na lamang sa bahay nila ay ang kanilang lumang tsinelas na tinitingnan kahapon ng kanilang mga magulang, katabi ang isang bag na may lamang PhP 35,000. 20,000 para sa panganay (mas maganda, mas matangkad) at 15,000 para sa sumunod (may konting pimples).

Mabilis lang naman pala ang sistema: sa pamamagitan ng isang kakilala ay maglalabas ng profile mo sa isang website, kapag may interesadong Koreano ay pagtatagpuin kayo dito, magpapakasal kayo sa DasmariƱas, magha-honeymoon kayo sa isang hotel, pupunta sa bahay niyo ang Koreano para "makilala" ang iyong mga magulang, WALAH! Pupunta na kayo sa Korea.

Sabi ng nanay ko, ayan, marami na silang pera. Sigurado magpapadala pa uli 'yan. Aba'y natalo pa itong anak kong naging scholar sa Ateneo! Sana lang hindi sila gawing katulong o prostitute doon.

Sabi ng kapatid ko, ano ba 'yun, isang buwan lang ang daming pagbabago ang nangyari sa buhay nila. Asawa mo hindi mo kilala? Paano kaya sila magkakaintindihan?

Sabi ko, di ba you say it best when you say nothing at all?

Nanay ko at kapatid ko: Nakakatakot naman.

Ako: Lagyan niyo ng asukal 'yung bistek para maglasang Korean beef.

The smile in your face lets me know that you need me
there's a truth in your eyes saying you'll never leave me
the touch of your hand says you'll catch me
whenever I fall. You say it best
when you say nothing at all.

3. Love will keep us alive ng Eagles

At heto ako, nagmamadaling pumunta sa Ateneo para makuha ang suweldo. Nakaplano na ang araw ko:

1. Kunin ang suweldo (hu!)
2. Ipa-encash sa BPI (hiyaaaa!)
3. Kumain ng tunay na lunch (sa wakas)
4. Pumunta sa ADMU Press (sale)
5. Puntahan si Joanne at magbayad ng utang na pera at date (owrayt)

Pero 230 pa daw kami susuweldo. Pamasahe lang ang dinala ko, kaya


When we're hungry,
love will keep us alive

0 Comments:

Post a Comment

<< Home