Wednesday, November 12, 2003

Headline sa diyaryong binabasa kanina ng ale sa dyip:

14 ang saksak
ATENISTA
NIREYP, KINATAY

Gusto ko sanang hiramin sa ale 'yung diyaryo (may balita ring 'nakaiskor' si bong revilla kay miriam quiambao 'bago pa ikasal') kaya lang bising bisi siya sa pagbabasa ng Text Friends section nung diyaryo.

Ewan, gusto ko sanang mag-isip kung bakit mas karumal dumal ang krimen (sa punto de bista ng mga writer ng tabloid) dahil atenista ang biktima, kung sino ba ang atenista sa isip ng mga nagbabasa ng tabloid, pero naboringan ako sa mga naiisip ko kaya hindi ko na lang tinuloy.

Nag-isip na lang ako tungkol sa isang magandang babaeng pinakinis ng The Bodyshop ang kutis, pinadulas ng David's Salon ang buhok at pinatalino ng mga Philo at Theo classes na pinasukan niya. Inisip ko kung paano mainitan ng kapeng Starbucks ang kanyang mga labi, kung paano niya ipindot sa cellphone ang mga daliri niyang napakalambot ng balat. Inisip ko kung paano ang tunog ng boses niya habang nagrerecite sa kanyang mga klase sa Filipino, gayong hindi naman siya sanay nang hindi nag-iIngles.

Inisip kong bumababa siya ng kotse ng kanyang boyfriend, lumalantad ang kanyang pusod sa kanyang pag-unat ng katawan para magbigay ng goodbye kiss. Narinig ko ang pagsara ng pinto, ang pag-alis ng kotse, ang pagbukas niya ng gate ng kanilang bahay. Inisip ko kung gaano kalamig ang doorknob na kanyang hinawakan bago binuksan ang pinto, at natuklasang wala palang tao sa kanilang bahay.

Inisip ko kung gaano kadaling buksan ang gate na nakalimutan niyang isara, na hindi niya narinig na binuksan kong muli dahil nakikinig na siya sa kanyang John Mayer CD habang naghahandang maligo. Inisip ko kung paano kong nakitang nakabalandra ang mga gamit niya sa sala nang pumasok ako sa kanilang pinto.

Inisip ko kung paano nagdilim ang living room nang patayin ko ang ilaw, kung paano nawala ang kislap sa dala kong kutsilyo.

Inisip ko kung paano ko siya sinilip sa kanyang kuwartong bahagyang nakabukas ang pinto, habang pumipili ng isusuot. Inisip ko kung paano niyayakap ng kanyang Victoria's Secret ang hubog ng kanyang katawan. Inisip ko kung paano ako lumakad nang dahan dahan, palapit sa kanya, nag-aantay na mapatingin siya sa akin.

Pero nawirduhan ako sa mga iniisip ko kaya hindi ko na itinuloy. Isa pa, Katipunan na at kailangan ko nang pumara.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home