Monday, January 02, 2006

Alam mo ba?
Issue Number 2
(Collect them all!)

Ang pangunahing papel ng appendix sa iyong katawan ay magbigay ng appendicitis. Ginagawa niya ito bilang parusa sa iyong madalas na pagkain ng bayabas at kamatis na hindi tinanggalan ng buto. Hindi niya rin nagugustuhan ang iyong hindi madalas na pagtae.

Komunsulta agad sa doktor kapag madalas sumakit ang kanang bahagi ng iyong tiyan, sa bandang baba ng pusod. Nakamamatay ang pagpapapatay patay kapag nagtatampo ang appendix.

Gaya ng accidental pregnancy, first breakup at death of a loved one, ang unang yugto ng appendicitis ay denial. Sinasabi mo sa sarili mong wala ka naman talagang appendicitis, kahit madalas ang pagtiklop ng iyong kanang tuhod kapag nakahiga ka (nakakabawas kasi ng sakit).

Maraming nagsasabi na masama ang magsalsal, makipagkantutan, mag-commute o magrakenrol pagkatapos kumain dahil baka ka ma-appendix. Hello? Hindi ba’t nagtatagal muna ang pagkain sa sikmura bago dumaan sa duodenum at small intestine? Kapag lubusan nang nagiling ang iyong kinain, saka lang ito tatambay sa iyong large intestine na siyang kinakabitan ng iyong appendix, at maghihintay na itae mo. Paano ka maa-appendix kung kakakain mo lang? Malamang, nakararamdam ka ng sakit dahil hindi ka natunawan.

7 Comments:

At 9:30 PM, Anonymous Anonymous said...

Buti na lang nagtatanggal ako ng buto ng kamatis : )

 
At 5:30 PM, Anonymous Anonymous said...

Totoo po bang ang penis ay external extension lamang ng large intestine? Nagtatanong lang po ^_^

 
At 1:52 PM, Anonymous Anonymous said...

hindi ko alam. ano ba ang penis? kinakain ba yun?

 
At 6:06 PM, Blogger someone random said...

sir yol! ang galing niyo magsulat!! benta! :) haha!

 
At 4:54 PM, Anonymous Anonymous said...

mabuhay ka yol! Ü isa kang tunay na henyo. kapakipakinabang ang mga impormasyon tungkol sa appendix.

 
At 7:24 AM, Anonymous Anonymous said...

maraming salamat haya. ang gusto ko lang naman ay makatulong at makapaglingkod. *sniff*hikbi*

 
At 2:53 PM, Anonymous Anonymous said...

yol, ayon sa boss kong doktor,hindi raw totoong buto ng kamatis at bayabas ang sanhi ng appendicitis. bacteria.

 

Post a Comment

<< Home