Thursday, March 22, 2007

Huhulaan ko kung ano ang favorite backstreet boys song mo.



Kung hindi ito...

As Long As You Love Me

Although loneliness always has been a friend of mine
I'm leaving my life in your hands
People say that I'm crazy and that I'm blind
Risking it all in glance
How you got me blind is all a mystery
I can't get you out of my head
Don't care what is written in your history
As long as you're here with me

Chorus
I don't care who you are
Where you're from
What you did
As long as you love me
Who you are
Where you're from
Don't care what you did
As long as you love me

Every little thing that you have said and done
Feels like it's deep within me
Doesn't really matter if you're on the run
It seems like we were meant to be

Chorus
Bridge
I've tryed to hide it so that no one knows
But I guess it shows
When you look into my eyes
What you did and where your comin' from
I don't care, as long as you love me, baby.


...malamang ito:

Quit Playing Games (With My Heart)

Even in my heart I see
You're not bein' true to me
Deep within my soul I feel
Nothing's like it used to be
Sometimes I wish I could
turn back time
Impossible as it may seem
But I wish I could
so bad baby
Quit playin' games with my heart

Chorus
Quit playin' games with my heart
Before you tear us apart
I should've known from the start
Before you got in my heart
I live my life the way
To keep you comin' back to me
Everything I do is for you
So what is it that you can't see
Sometimes I wish I could
Turn back time, impossible as it may seem
But I wish I could so bad
You better quit playin' games with my heart

Chorus
Quit playin' games
Baby, baby the love that we had
was so strong
Don't leave me hangin' here forever
Oh baby, baby this is not a lie,
let's stop this tonight
Baby, quit playin' games
Sometimes I wish I could
Turn back time,
impossible as it may seem
But I wish I could so bad, baby
Quit playin' games with my heart


Mali? Hindi mo maalala ang pamagat? Shape of My Heart? Show Me the Meaning of Being Lonely? 10000 Promises? Get Down? Everybody (Backstreet's Back)? I'll Never Break Your Heart? I Want It That Way?

Huwag mong sabihing No One Else Comes Close. Ni-revive lang nila yun. Oo, nagrevive ang Backstreet Boys.

Nabanggit ko lang kasi may gusto akong itanong sa iyo. Naaalala mo pa ba yung video ng Quit Playing Games?

http://www.youtube.com/watch?v=Vax6K-bMzJ0

Napansin mo rin ba ang napansin ng kabatch kong si Joeffrey? Hindi nagbukas/naghubad ng polo si Nick Carter. Siya lang ang gumawa noon sa videong ito.

Nasa AVR kami noon, hinihintay na magsimula ang film showing ni Mrs. Larcena. Dahil wala pa si Mam, binuksan muna namin ang TV para manood ng MTV. At nakita namin, nakita naming lahat si Nick Carter, hindi nagbukas/naghubad ng polo.

Hindi ko pa rin alam kung bakit ginawa ni Nick Carter iyon. Pero naniwala ako noon sa paliwanag na ibinigay ni Joeffrey. Tomboy si Nick Carter. At ayaw niyang makita ang nipples niya.

Thursday, March 08, 2007

I believe in love, the feeling almighty, creator of heaven and earth

Galing kina maita at mikael. Walang pakialaman sa mga sagot ha.

1. One book that changed your life
Nang mabasa ko ang The Black Cat and other stories ni Edgar Allan Poe noong nasa elementary ako, nagpasya akong balang araw, magiging lasenggo ako. Tapat akong iibig sa isang babae tapos iiwan niya ako. Iibig ako uli, at iibig pa, pero kailanman, hindi ako magiging dakila. Sa halip, magiging isa akong manunulat.

2. One book you have read more than once
Sa Cubao Midnight Express: Mga Pusong Nadiskaril sa Mahabang Riles ng Pag-ibig, may kuwentong pinamagatang Pamamanhikan. Tungkol ito sa isang batang lalaking nagpahayag ng pag-ibig, hindi crush, sa isang batang babae. Tinawanan siya nung babae, tinakbuhan. Hinabol ni lalaki si babae. Umakyat sa hagdan si babae. Nadulas, nahulog, nabagok ang ulo. Pagkaraan ng ilang taon, magiging serial killer si lalaki.

Marami akong naalala matapos mabasa ang kuwentong iyon. Ganoon nga, ganoon nga ang nangyayari kapag batang bata ka'y nasasaktan.

3. One book you want on a deserted island
Kung sakaling matagpuan ko ang sarili sa isang islang wala akong kasama, walang pag-asang makaalis o mailigtas, sana may dala akong kopya ng One Hundred Years of Solitude. Hindi na ako mag-aabalang maghanap ng makakain o gumawa ng bahay kubo. Babasahin ko na lang ang nobela. Tapos pagdating ko sa katapusan ng nobela, sa katapusan ng Macondo, sa katapusan ng mga Buendia, mamatay na ako. Huwaw, emo ang puta.

4. One book that made you laugh
Hindi ko alam kung bakit, pero natatawa ako kapag binabasa ko ang Hulagpos at Likha, teksbuk ng mga sabjek na itinuturo ko.

5. One book that made you cry
Sa banyo ko binasa ang malaking bahagi ng Norwegian Wood, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako umiyak.

Ipinabasa ko rin kay Joanne ang nobelang ito ni Murakami. Sabi ko naaalala ko siya tuwing binubuklat ko ang librong iyon. Pagkatapos ng isang linggo, tinanong ko siya: Naoko o Midori? Sabi niya, ayaw ko kay Midori, lakad kasi nang lakad. Sabi ng isip ko, ikaw si Midori, Joanne. Ikaw si Midori.

6. One book you wish had been written
Sa isang panaginip ni Paolo Manalo, nasa isang book launch daw siya ng isang Yol Jamendang. P.E.D.R.O.S. (Playing, eating, dancing, reading and others) ang pamagat ng aklat. Nang papirmahan niya ang kanyang kopya, isinulat raw ng manunulat: Kunin mo, o dahunin mo.

7. One book you wish had never been written
May isang health guide na lumabas ngayun ngayon lang. Kasama kami ni Jelson sa mga nagsalin (Ingles kasi ang orihinal na manuskrito). Pero hindi nakalagay ang mga pangalan namin sa alinmang bahagi ng aklat. Sana hindi na lang naisulat ang aklat na iyon para hindi ako, kami, nasaktan.

8. One book you are currently reading
Remaking Masculinities ni Alicia Pingol. Ano ang mangyayari kay tatay kapag umalis si nanay para magtrabaho sa ibang bansa? Gusto kong malaman.

9. One book you have been meaning to read
Tulad ni Mikael, pangarap kong mabasa (sa wakas) ang Norton Anthology of Theory and Criticism. Mayroon na akong kopya, Christmas gift ni Mam Beni noong isang taon. Dahil nga wala pa akong panahong magbasa, itinago ko muna.

Last month, may narinig akong mga kuting na ngumingiyaw sa ilalim ng kama ko. Nang silipin ko, nakita ko ang isa sa mga pusa namin, nagpapasuso ng kanyang mga anak. Sa ibabaw ng brand new ko sanang kopya ng Norton.

Nakakatamad palang magbasa ng mapanghing libro.

10. Taya! Ikaw, oo, ikaw na nagbabasa. Gawin mo naman ang ehersisyong ito o. Babasahin ko.

Sabi nila, kumu-corny ang mga taong in love. Sa tingin ko, ganoon rin ang mga taong heartbroken.